Ikaapat: Rehas

107 3 0
                                    


Paano ba?

Paano ba kumawala?

Kumawala sa mga kadenang nagbabawal sayo sa paglaya?

Paglaya sa madilim na noon,hanggang kelan ka papahirapan ng pagkakataon?


Paano mo nga ba tatanggalin ang mga piring?

Mga piring na nagpapadilim sa iyong mundo?

Mundo na dapat nagbabago, subalit bakit ganito?

Hindi ka makaalis sa rehas ng mga preso


Presong nakakulong dahil sa sariling emosyon

Dapat meron ka ng desisyon

Tanggalin mo na ang mga mahihigpit na kadena

Kadenang pumipigil sa iyong paglaya


Dapat mo ng alisin ang mga piring

Tanggalin ang mga puhing

Kelangan mo ng tanggapin

Na dapat lumabas ka na sa mundo ng mga alipin


Alipin ng sariling emosyon

Marami ka ng pinalampas na pagkakataon

Tapos na ang mahahabang ilusyon

Tumakas ka na sa madidilim na kahon


Imulat ang mga mata, Ang mga kahon ay preso at hindi tahanan

Bigyan ang sarili ng kapayapaan

Tuluyan mo ng putulin ang mga rehas na humaharang

Humaharang sa iyong kalayaan



Sa lahat ng tula na nagawa ko, ito ang pinakagusto ko. Ito yung saksak puso tul ang dugo na tula para sa akin. Sa tuwing binabasa ko to, ang sakit, pero sa kabilang banda mapagtatanto kung tama yung tula.

Hindi dapat tayo magpakulong sa nakaraan natin. Life is about moving on. It is about accepting what happened before, even if it is so bad. Sana matuto tayong harapin ang bukos at huwag magpakulong sa nakaraan natin.

Mga Piyesang KumupasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon