"Pagod na Ako"

28 1 5
                                    

"Pagod na ako", ito ang sabi mo

Wala akong nagawa kundi ang tumango

Hindi ka nagpaliwanag kung anong nagawa ko

Basta yun ang sabi mo


Hanggang ngayon tinatanong ko parin kung saan nagkulang

Hinahanap ko pa rin ang sagot kung bakit mo ako iniwan

Iniwan mo ako ng walang sapat na dahilan

Ano ba ang ibig sabihin ng katagang iyan?


Meron tayong tampuhan

Pero ang bawat gusot ating nalalampasan

Ang masaktan natin ang isa't-isa ay hindi natin hinahayaan

Pero bigla na lamang natapos ang relasyong pinangalagaan


Gusto ko ng kasagutan

Ikaw lamang ang makakasagot sa aking mga katanungan

Napagod ka, ngunit sa anong paraan?

Ano nga ba ang meron satatlong salitang iyan, at ako'y nasaktan ng lubusan.


A/N: Parang ang corny ata nito! sorry guys!




Mga Piyesang KumupasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon