Apatnapu't tatlo: Puwang

15 1 0
                                    

Papalayain kita,
Kakainin ko ang sariling
mga salitang binitawan
ko noong simula.

Paumanhin, kung sasabihin kong
may espasyo na sa salitang ikaw at ako.
May puwang na akong iiwan,
Bago pa man magkaroon ng tayo

Hindi pa tuluyang nagsisimula
ang ating kuwento-
Kuwentong handa kong isulat sa kwaderno,
kwaderno ng aking mundo.

Wala pa akong natatanggap,
na tuldok mula sa'yo
ngunit may kuwit na dumating
doon ka huminto,
Hindi pansamanta tulad ng inaasahan ko.

Sa espasyong aking iniwan at mga puwang,
sa ating kwentong nasimulan ngunit 'di nawakasan,
sa bagong bantas na pumalit sana'y kan'yang magampanan.

Ikaw pa rin aking bantas,
Ang aking tuldok na aking hihintuan
pero siya ang pupuno,
sa espasyo't puwang na aking iniwan.

Mga Piyesang KumupasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon