Chapter 24

12.6K 406 37
                                    

(Slight SPG)

DANICA

SA reception palang mukha nang siraulo si Logan. Ewan ko kung matutuloy pa ang honeymoon namin. Bagsak na ito sa kalasingan.

"Congrats, beshy. Masaya ako para sa iyo." Yumakap sa akin si Sara.

"Salamat, besh."

"Nakita ko ang asawa mong mabukol. Mukhang lasing na. Pero ang hot niya sa baliktad na tuxedo," sabay tawa nito.

Napairap ako sa kanya. Naalala ko na naman kanina. Nagkalat ang macho sa simbahan habang papalakad kami palabas ng simbahan. Mukha kasing tanga.

"Babe! My asawa ko! My mahal! My hot sexy police wife!" napangiwi ako sa pinagsasabi ni Logan. Sumusuray na ang walanghiya habang nasa tabi niya ang pinsan niyang si Alexandro. Nakangisi ito.

"Mukhang hindi matutuloy ang honeymoon niyo Mrs. Dela Costa. Babagsak ito pagdating sa bahay." natatawang sabi ng Chief ko. Sumaludo ako sa kanya.

"Mukha nga" napairap ako kay Logan. Napakapungay na ang mata nito. Diyos ko naman talagang pinaka memorable day ito. Hindi dahil sa kasal ko kung hindi sa pinaggagawa ng asawa ko.

"Anong hindi tuloy ang honeymoon! Tuloy ang pagkakan." Tinakpan ni Alexandro ang bibig ni Logan. Nanlaki ang mga mata ko dahil napakabalahura ng bunganga niya. Diyos ko po naman.

"What the heck Logan! May mga tao pa napakabastos ng bunganga mo!" kahit susuray suray ang macho nakaya niyang maitulak si Alexandro.

"Gago! Anong bastos sa pagkakanta! Kayo nga itong mga bastos mag-isip!" napakamot kami ng ulo sa sinabi ni Logan. Oo nga naman.

"Halika na babe matulog na tayo. Lasing na lasing ka na!" singhal ko sa kanya. Napangiwi ako ng dumako ang mata ko sa suot niyang tuxedo na hanggang ngayon baliktad pa din.

Iiling iling lang si Alexandro habang nakatingin sa pinsan nito. Napangiti si Logan sa akin.

"Excited ka na no?! Mas excited na din ako! Makakakan.." bigla kong sinampal si Logan. Napasinghap si Alexandro sa ginawa ko. Napabaling sa kanan ang guwapong mukha niya. Humarap ito sa akin pero nakangiti lang ang walanghiya. Hindi tinalaban sa sampal ko. Matigas nga siya. Napababa ang tingin ko sa panggitna nito. Napalunok ako dahil lalabas na ang bukol.

"Ganyan ang epekto ng sampal mo, babe. Umiigting ang kasundaluhan ko. Handa sa labanan natin." Napatili ako ng bigla niya akong binuhat na parang sako. Then he spank my butt.

"Babe, ang tambok ng puwet mo!" sabi nito. Naglakad ito na pagewang-gewang. Natatakot akong baka ma-out of balance ang macho dumiretso kami sa sementong pareho.

"Ibaba mo ako walanghiya ka! Ano ba Logan! Isa! Kapag nakababa ako dito makikita mo ang hindi mo dapat makita!" banta ko sa asawa ko. Buwisit na ito.

"Gusto ko iyan, babe! Makikita ko ang hindi ko dapat makita." Bigla niya akong ibinaba kaya hindi ko napaghandaan napasalampak ako sa damuhan. Napalakas ang pagkakababa niya sa akin na walang pag-iingat. Tiningnan ko siya ng matalim.

"Babe, sorry hindi ko sinasadya. Medyo nahihilo ang asawa mo," sabi nito.

Akmang hahawakan niya ako. Iwinaksi ko ang braso niyang malaki. Sa inis ko tumayo ako at ginawaran ko ng sipa ang tiyan nito. Kaya napaupo ang macho at napahiga. Umupo ako sa kanyang tiyan. Sasabunutan ko sana ang buhok niya ng hawakan niya ang pulsuhan ko. Kaya ang ginawa ko inipit ko ng paa ang leeg niya. Pilit niyang inaalis ang paa ko sa kanyang leeg.

Nagpagulong-gulong kami. Nakawala ito sa paa ko kaya umayos ako ng tayo at hinanda ang sarili ko para gawaran ito ng isang sipa sa tagiliran.

"Babe.. I love you!" sigaw ni Logan habang hingal na hingal at sinasalag ang sipa ko. Napangisi ako.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon