Chapter 7

12.8K 437 25
                                    

LOGAN

LUMABAS na ako sa kampo para umuwi na. Hindi ko masusundo si Danica dahil gabi na ako nakapag-out. Nagkaroon kasi ng meeting ang mga general kasama kami.

"Brod, pauwi ka na?" tanong ng kasamahan ko dito sa Villamor Air Base.

"Yes, brod. Mukhang aakyat ka ng ligaw ah? Gabi na," natatawa kong sabi sa kanya.

"Walang gabi sa akin. Baka kasi magalit kapag hindi ko dinalaw. Alam mo na," sabay tawa nito.

Tinapik ko siya sa balikat at nagpaalam na. Pagkasakay ko sa sasakyan ko. Tumunog ang cell phone ko na nasa bulsa ng pants ko.

"Hello, bro. Bakit napatawag ka?" tanong ko kay Alexandro.

"I need your help," napakunot noo ako.

"Bakit anong nangyari?" bigla akong kinabahan.

"Natambangan kami. Nandito kami sa malapit  sa Alabang skyway. Tangina! Men atras!" sigaw ni Alexandro sa kabilang linya.

"Okay, I'm on my way now!" in-endcall ko na. Naisip ko si Danica baka kasama ni Alexandro. Bigla akong nag-alala sa kalagayan ng mahal ko. Pagkalabas ko ng Villamor dumiretso ako papuntang Alabang.

Napatingin ako sa rearview ko. May sumunod sa aking itim na sasakyan. Damnit! Iniliko ko bigla ang sasakyan ko. Sino naman ang mga ito?! Inilabas ko ang baril ko na nasa ilalim ng upuan. Mapapalaban ako ngayon. Napayuko ako ng may bumaril. Fuck! Muntik na ako doon. Binilisan ko ang pagpapatakbo.

Nabasag ang likod ng sasakyan ko ng paulanan nila ako ng bala. Inopen ko ang binatana para paputukan din ang mga kalaban. Pinuntirya kong tamaan ang gulong ng sasakyan nila. Para hindi na sila makasunod sa akin. Bullseye sumabog ang gulong ng mga kalaban. Gumewang gewang sasakyan nila. Napangisi ako.

Binilisan  ko ang pagpapatakbo para hindi nila ako maabutan. Nakita kong umusok ang sasakyan ng mga kalaban. Nagdiretso ako kung saan sila Alexandro. Nakarinig ako ng putukan. Inihinto ko sa gilid ang sasakyan. Namataan ko si Alexandro na nakatago sa isang poste. Tinawagan ko ito.

"Hello, bro, 12:00 o'clock!" sabi ko at napatingin ito sa gawi ko. Inilabas ko ang baril ko. Mukhang may tama ang pinsan ko sa braso nito. Nakipagpalitan ako ng putok sa mga kalaban. Gumulong ako para mapuntahan si Alexandro.

"What happened? Are you okay?" tanong ko.

"Daplis langang  tama ko. Natambangan kami. May tumawag na may kaguluhan daw dito pero pagdating namin wala naman pala. Isa palang patibong ito. I call you kasi kailangan ko ng backup ng military. Dahil malapit ka lang dito. Masyadong madami ang kalaban. Hindi ako makatawag sa presinto dahil may kasabwat na pulis na nasa presinto namin," sabi ng pinsan ko. Talagang madaming kasabwat na pulis sa mga sindikato lalo na sa droga.

"Okay, I call a backup. Napalaban din ako bro. May humabol sa akin pinaulanan nila ang sasakyan ko. Mabuti hindi nila ako napuruhan. Tangina!" sabi ko.

Tinawagan ko ang mga tauhan ko sa Villamor Air Base for backup. Fuck parang dumami yata ang kalaban namin.

"Kasama mo ba si Danica?" tanong ko.

"Yes, nandoon sila sa kabilang side," napatango ako. Pupuntahan ko ang babe ko. " Where are you going?"  tanong ni Alexandro ng aalis ako.

"Pupuntahan ko sila doon," sabi ko.

"Tarantado ka ba? Mapanganib tingnan mong madaming kalaban gago!" singhal niya sa akin.

"I don't care!" nagpalinga linga ako bago gumapang sa patungo sa kinaroroonan nila Danica. Nagulat si Danica ng makita niya ako.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now