After a while, nagtanguan sila. Sign for agreement. Does it call for victory? Lol.
"Naisip ko din yan. Well, do we all agree with that?" sang-ayon naman nung Demi.
"Pero Demi.."
"Yes, Kester? Any suggestions pa? " tanong nito ulit.
"Wala na. Sige, okay na ko dun sa proposal ni Ms. President." and I won. *evil laugh*
"How about the others? " Demi.
And the others agreed. Hahaha. Sooooo, one point down. Hahaha
"Since ang aming butihing Presidente ang nakaisip. I think, she should be your right-hand Demi. "
Anooooo?!!!
"No.. Hindi pwede. " malungkot na sagot naman ni Ate Demi na ikinangiti ko ng bonggang-bongga sabay *bleh* kay Kester.
Haha. Kala niya! Hmp.
"I mean, hindi ako pwedeng mag-Head. Graduating na kasi ako. So ikaw, Ms. Ortiz-Luis ang maghe-Head ng event." nakangiting sagot nito.
At ako?
"Ayoko! Bakit ako?! Andami dami natin eh! Siya na lang! " sabay turo ko kay Kester na kasalukuyang nagpipigil ng ngiti niyang pang-asar!
Bwisiiiiiiit!
"Okay lang sakin. Basta si Shontelle ang right-hand ko."
"Ano? Ayoko nga!"
"C'mon guys. Kung may issue man kayo sa isa't isa, kalimutan niyo na muna. We're doing this for the sake of others." Demi.
"Oo nga naman. Sige na Shontelle. Pumayag ka na. Tutulong din naman kami. And it's your idea di naman. " sabi naman nung dati kong classmate sa dati kong school. Si Max. Hindi ko pa siya mapapansin kung hindi siya nagsalita.
Hmp! Nakakainis talaga tong pokemon na to! Grrrr!
"Okay. " walang gana kong sagot. Hmp. He won. Okay. Just for now. Just now.
--*
(Canteen)
"Can I sit here?"
"No." sagot ko. Hmp. Kilala niyo na kung sino.
Takte talaga. Nanahimik mundo kong kumakain eh. Panggulo talaga tong pokemon na to.
"You like it or not. I'll sit here. "
At yun nga. Nakiupo na siya. Hmp. Hindi na sana niya ko tinanong. Wala rin naman palang saysay pagsagot ko.
"Ba't ka nag-transfer ng school?" tanong niya.
I just stared at him.
Anong pakialam niya? Siya nga di ko tinatanong kung bakit naka-uniform siya ng school uniform namin eh.
"Stop staring. Tinatanong ko lang naman. Transferree din kasi ako. I mean, late transferree. Haha."
Ano daw? Transferree din siya? Tss. Kaya pala.
"Ba't ka nag-transfer?" ganting sagot ko.
Okay. Na-curious lang din ako. Sareeeh.
"Need a change for new environment. Hehe"
"Huh? Ang lame naman yata ng excuse mo."
"Ba't ikaw?"
"Not happy at the old school."
"Talaga? Well, dito ka nakahanap ng kasiyahan ganun ba? "
"No. "
"Bakit?"
"Too many questions. Hindi tayo close okay. Nakiupo ka lang. "
"Hey. Why too serious? Ba't ba highblood ka sakin? May nagawa ba kong di maganda sayo? "
"Wala. "
"O, eh ba't ang sungit mo sakin? " naka-sad face pa ang loko. Kala niya. May atraso pa siya sakin!
"Wala kang nagawang mabuti."
"Ano? Inano ba kita? "
"You ruined my silent life."
"Maka-ruined ka naman. Grabe. Ni-nominate lang kita. Di ko na naman siguro kasalanan kung nanalo ka.."
"Sayo nagsimula. Kasalanan mo. Period. "
"Okay okay. Sorry na. Look, magkasama tayo sa paghe-head ng isang event. Hindi magiging maganda kung may gap tayo. "
"So kasalanan ko pang ako ang kinuha mong right-hand mo. Ganun ba?! "
"No, it's not that. Let's just.. Hayy. Ang sungit mo talaga.." sabi niyang napapailing at napayuko. Habang ako naman patuloy lang sa pagkain ko.
Hmp. Akala niya ganun niya ko kadali mapapaamo. His face!
Maya-maya pa, tumayo na siya at agad agad na lumabas ng canteen. Napatingin ako sa kinaupuan niya at nakita ang isang Cream-O na may note.
Sorry na plith? Eto o, favorite ko to, pero sayo na lang. Eat well. See you around. :)
Kinuha ko yung note at Cream-O. At napatingin wall mirror..
And to my shock..
I saw myself smiling. :)
-----
Another update! Hihi. Hope you like it! :)
YOU ARE READING
SIXTH STRING (SLOW UPDATE)
Teen FictionAnim na kwerdas lang ang kailangan ko para matugtog ko ang gitara ko. Katumbas nun ang anim na bagay at tao na kailangan ko para mabuhay. Sa anim na yun, kaya ko ng sumaya. Pero paano kung mawala ang isa? Maging maganda pa kaya ang tunog ng gitara...
Note 3 - First Talk, First Smile
Start from the beginning
