Chapter 7

27 0 0

Dhane P.O.V

Inutusan ako ng magaling kong teacher na ilagay ko daw sa faculty ang mga gamit nya. At ako pa talaga ang inutusan nya! Pwede naman sa iba!

Habang naglalakad ako pabalik sa room nakita kong may bumaba ng hagdan kung saan ang principal office. Teka... kilala ko to e. Sinu nga ba to?? Oo! Yung babaeng may attitude! Yung nakipagsagutan sakin sya yon!

Sinundan ko lang sya kung saan sya pupunta at dirediretso lang sya ng makarating sya sa harap ng cr ng girls. Pumasok sya at naiwan nyang nakabukas ng konti yung pintuan. Sumilip ako kung ano ang ginagawa nya. Kinuha nya yung mop at padabog na naglinis. At nagsimula ng magsisisigaw.

"Nakakainis! Dahil sayong manok ka hawak hawak ko tong pesteng mop nato at napaglinisan pa ako ng banyo! Argghh!.......

Tuloy tuloy lang syang nagsisigaw don. Baliw na ata.....

Tama!!

Ikukulong ko sya dito. Hahaha!

Dahandahan kong sinara yung pintuan para hindi nya marinig. Pagkasarado, agad ko ng nilock ito at tumakbo ng mabilis

Nang sure nakong malayo sa cr ng girls sumigaw ako....

"Mabulok ka sana dyan!"

===========================================================

Nash P.O.V

"Ano?!" Sigaw nya.

"Ano ba! Bat lagi ka bang nakasigaw dyan?! Hindi pwedeng inain mo ng konti?! Kabasag eardrum ka e.

"Panong hindi ako sisigaw e nakulong tayo dito. At sobrang malas ko ikaw pa ang kasama ko!" -sya

"Aba! Maswerte ka nga ako kasama mo e. Alam mo bang pinapangarap ng mga kababaihan dito sa school na makasama nila ako dito? At pag nalaman nila na ikaw ang kasama ko, mamamatay sila sa sobrang inggit sayo!" -ako

"Wow naman. ang yabang mo!" Sabi nya at nilagay nya yung mop nyang dala sa gilid ng pintuan.

Sinubukan nyang buksan yung pintuan pero ayaw pa rin.

"Tulong! May tao ba dyan? Buksan nyo tong pintuan!"

Hinihila nya na yung door knob pero ayaw parin. Hinampas hampas at sinisipa nya na ito pero ayaw parin.

"Tumigil ka na dyan. Sasayangin mo lang lakas mo hindi din naman mabubuksan yan. Ako nga hindi ko nabuksan ikaw pa kaya." Sabi ko habang nakaupo sa lapag at nakasadal sa pader.

"Malay mo mahina ka lang kaya hindi mo nabuksan yung pintuan." -sya.

"Bahala ka sasayangin mo lang oras mo dyan. Hintayin na lang natin na may taong magbukas nito."

Pero hindi parin sya tumitigil at sumisigaw na naman. Ang sakit nya sa tenga. Hindi ba sya napapagod???

"Tulong! May tao po dito! Pwera lang sa kasama ko!" Sigaw nya.

"Hoy! Kumpara sayo mas mukha akong tao" sigaw ko.

Inismiran nya lang ako at umupo sa lapag sa gilid ng pintuan. Umupo sya na nakataas ang mga tuhod.

"Ayusin mo nga upo mo nakikita ko panty mo e."

Namula naman sya sa sinabi ko at inayos ang upo nya.

"Bastos!"

"Tss." At tumingin na lang ako sa isang tabi.

"Paano kung walang makakita satin dito?" Tanong nya na medyo nagpapaawa.

"Edi overnight tayo dito."

"Ano?! Hindi pwede! Hahanapin ako ng mga parents ko!" sigaw na naman nya.

Unexpected LoverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!