Chapter 2

15 0 0

Zeny P.O.V

Pagkatapos kong makipagsagutan don sa babae hinila na naman ako ni Barbie papuntang canteen. Halos ng maga taong madadaanan namin nakatingin lang saming dalawa. NaStarstruck ata.

"Zeny, lagi ka na lng napapaaway!" Sigaw sakin ni Barbie pero sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig.

"E Tarantado yung babae e! Kung makapagsalita sya akala mo Presedente sya ng pilipinas!" sigaw ko rin

"Ano ka ba! Daughter sya ng biggest stock holder ng school at sya din ang Campus Princess ng school!" -Barbie

"Wow! Ganung mukha pala ang pang Campus Princess, mukhang singit!" -ako

Hindi mapigilan ni Barbie ang pagtawa nya kaya tumawa kaming dalawa. Yan ang gusto ko sa kanya, nakikisama. Hahahahaha.

Pumunta na kami sa isang table at nilapag yung mga pagkaing binili namin.

"Hahahahahahahahhaahhaahahahahaha!" -Kaming dalawa.

"alam mo hindi ka parin nagbabago, basagulera ka parin! Hahahahaaha!" sabi nya habang punong puno ng pagkain yung bibig nya. Walang Manners!

Tapos tumawa na naman kame.

"Pero Zeny, nagaalala ako sayo."

"Bakit naman?"

"Si Dhane yung Campus Princess walang pinipiling tao yun. Kung sino sino ang inaaway nya. Pag may umaway sa kanya tulad ng ginawa mo kanina, naku magtago kana sa palda ng nanay mo." -Barbie.

"Sus! Sa states nga pati teacher nakakaaway ko tapos expect mo na matatakot ako dun sa bruhang yon?? Baka sya ang matakot sakin!"

Nagkibit balikat lang sya at kumain na.

Pagkatapos naming kumain papunta na kame sa room namin dahil magbebell na.

Malapit na kami sa room ng biglang may humarang samin mga babae. Yung Campus Princess na mukhang singit!

"Ikaw!" turo sakin "Hindi pa tayo tapos! Humanda ka!!" Sigaw nya sakin pero sasagot pa lang sana ako pero nag ring na yung bell.

Umalis na sila at kame naman pumunta na sa room. Ang init ng dugo sakin na babaeng yon.

Pagkapasok namin umupo kami ni Barbie sa upuan namin. Nakita ko si manok na nagpipigil ng tawa. Bawat makita ako neto natatawa na lang sya mukha ba akong Clown. Nakakainsulto sya!

Wala nmn kameng ibang ginawa may sinasabi si ma'am sa harapan pero hindi ako nakikinig. Lumilipad lang isip ko.

Nagring na yung bell. It means Lunch na. Haaaayyy. Sa wakas! Gutom na gutom na ko.

Tumayo na kame ni Barbie para pumunta ng canteen. Pagtayu ko nagsitawanan yung mga kaklase ko sa likod. Tapos tumalikod ako para sana tignan kung ano ang nakakatawa pero pati narin yung mga nasa harapan tumatawa na.

'ano bang nakakatawa?' yan ang nasa isip ko.

Bigla na lang lumapit sakin si Barbie at bumulong.

"Meron ka ba ngayon?"-Barbie

"Huh?"-Ako

"May tagos ka."-Barbie

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Shet! Pero kakatapos ko pa lang last week.

Napatingin ako sa upuan ko at may nakita ako red thing don. Sabi ko na nga ba e!

Sinugod ko si manok na halos mangiyak na sa kakatawa. Hinawakan ko yung kwelyo nya at sinigawan.

"Ikaw ang may gawa nito no?!" halos magbreak na yung boses ko sa lakas ng sigaw ko.

"Oo. Bakit?" cool lang sya habang sinasabi nya yan.

Dahil sa sobrang galit ko hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinipa ko yung ano nya. Alam nyo na.

Napaluhod sya sa sobrang sakit.

"Ugh! Aaarrggh! Ha- ahhhhhhhhhh! Shet! Gagu kang babae ka!" Sigaw nya habang nakaluhod at hawak yung ano nya.

"Hahahahhaahahaha! Bagay lang sa--

Hindi nako nakatapos dahil hinila na ako ni Barbie palayo. Nakarating kami sa walang masyadong tao.

"Zeny, pwede bang magisip ka muna bago ka gumawa ng mga bagay bagay?!" -Barbie

"Pero napahiya ako sa ginawa nya e!"-ako

"Kahit na! sana naman kontrolin mo yang temper mo! Hindi mo sya kilala! Kahit babae pinapatulan nyan!" -Barbie

Natahimik na lang ako sa sinabi ni Barbie. Tss! Ako pa tuloy napagalitan.

Ilang sigundo na rin pero wala paring nagsasalita saming dalawa.

"Paano na nyan ako?" sabi ko habang nakatingin sa palda kong may red thing. Huhuhu

"Oo nga no."-Barbie

"Hindi ako makakapasok na ganito ang itsura ko. " sabi ko na parang nagpapaawa.

"Wag ka munang pumasok."-Barbie

"Okay." Yan na lang nasabi ko.

Hindi naman ako makakapunta sa canteen na ganito ang palda ko lalo na maraming tao dun. Grabe! Nagwawala na ang tyan ko sa sobrang gutom. Pero no choice pumunta na lang ako sa roof top at hinintay ang uwian dahil bawal pa daw umuwi. Humawak lang ako sa railings at tinignan yung mga taong nasa ibaba.

"Ahhh ang sakit ng likod ko."

May narinig akong nagsalita kaya hinanap ko kung sino yun. Napatingin ako dun sa lalakeng nasa dulo at parang kakagising lang. Papungaspungas pa sya. Nang makita ko na yung mukha nya parang nalaglag na lng panty ko. Owshit! Sobrang gwapo nya. Hindi pa ako nagkaganito sa buong buhay ko.

Napatingin sya sakin at nagtitigan lang kami. Ilang seconds kaming nakatingin sa isat isa. At nagsalita na sya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.

"A-ah an-no. ano....

Hindi ako makasagot. Nauutal nako, nakakahiya.

Unexpected LoverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!