Chapter 4

14 0 0

Zeny's P.O.V

Napadpad kame sa likod ng school kung saan wala taong makakakita samin.

Parehas naming hinahabol ang mga hininga namin. Nang okay na kami bigla syang nagsalita.

"Bakit mo ginawa yon?" Tanong nya habang nakayuko.

"Ang alin?" Tanong ko naman.

"Bakit mo ako niligtas kanina?" Mahinahong tanong nya habang nakayuko parin.

"Dapat lang na iligtas kita kas--

"Bagong student ka ba dito?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"Kaya naman pala." Narinig kong bulong nya sa sarili nya.

"Hindi mo kilala si Nash. Sya ang anak ng may ari nitong eskwelahan. Lahat ng gusto nya nasusunod at nakukuha nya. Lahat ng student dito takot sa kanya, kasi sa oras na kinalaban mo sya maaari kang mapatalsik sa eskwelahan na ito. Wala pang bumalak na kumalaban sa kanya pwera lang sayo to think na babae ka pa naman. Wala syang pinipiling tao. Lahat ng gusto nya nagagawa nya."

Nakikinig lang ako sa kanya at humarap sa akin.

"Hindi mo na dapat ginawa yon. Kaya ko naman sarili ko atsaka nasanay na rin ako sa nash nayun." Malungkot na sabi nya.

"Kung hindi pa kita niligtas kanina baka mabugbog ka pa nya. Paano na lang kung mamatay ka sa pagkabugbog nya?"

Ngumiti sya ng pilit kahit na sobrang lungkot nya na.

"Wala din naman akong saysay sa mundong to e. Palagi na lang akong nabubuly ng kahit sino. Kaya hintayin ko na lang na mamatay ako." Sabi nya. Meron ng tumulong luha galing sa mata nya.

"Wag mong sabihin yan. May mga tao paring nagmamahal sayo at nagpapahalaga sayo. Ipakita mo lang sa kanila na matapang ka at hindi mahina. Lakasan mo lang ang loob mo at wag mo silang hayaan apihin ka dahil sa hindi mo sila kaya." Nakangiti na sabi ko sa kanya at pinatong ang kamay ko sa balikat nya.

Pinunasan nya ang luha nya at humarap sakin ng nakangiti.

"Alam mo, ikaw pa lang ang unang nagsabi sakin ng ganyan. Wala kasi akong kaibigan dito dahil alam nila na kapag may tumulong sakin madadamay lang sila. Nagpapasalamat talaga ako sayo dahil iniligtas mo ako kanina." Sabi nya sakin ng nakangiti.

"Wala yun. Magsimula ngayon tutulungan na kita at poprotektahan ka.  Kaya simula ngayon magkaibigan na tayo."

"Maraming salamat sayo. Pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi parin ako handa na lumaban."

"Akong bahala sayo. Tutulungan kita dyan. Pero magsisimula muna tayo sa mukha mo." Sabi ko.

"Ba-bakit may problema ba sa mukha ko?" tanong nya. Medyo natawa ako sa kanya kase inosenteng inosente nya.

"Hahahaha. Walang namang problema sa mukha mo. Babaguhin lang natin ang looks mo. Gagawin kitang mala Enchong dee." Biro ko sa kanya.

"Pe-pero---

"Hepepep! Walang pero pero. Kapalit ito ng tulong ko sayo." Sabi ko sa kanya.

"Sige na nga." sabi nya.

"Okay. Punta kana sa next class mo baka malate ka pa." Tatalikod na sana ako pero nagsalita sya ulit.

"Te-teka.. ahmmm.. magkaibigan natayo pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo." Tanong nya na medyo nahihiya pa.

"Ay oo nga pala. Hehehehe. Ako nga pala si Zeny Anne Abellana. 4th Year Student. Ikaw?" Sabi habang hinaya yung kamay ko sa kanya.

"I'm Brook Cha. I'm also 4th Year student. Nice to meet you." sabi nya at nakipaghandshake sakin.

Nginitian ko sya at nginitian din ako. Nauna na kong naglakad sa kanya.

"Ah Zeny.. may dalaw ka ba ngayon?" Tanong nya. Napaharap ako sa kanya kasi hindi gets tanong nya.

"Huh?"

"A e... may tagos k-ka kasi." Sabi nya. Agad naman ako namula sa sinabi nya.

Bigla kong naalala na hindi pa pala natatanggal tong red thing sa palda ko. Teka.. so maraming tao ang nakakita sa itsura ko kanina?! Arggghhh!

"Pagbabayaran mo tong ginawa mo manok ka!" Bulong ko sa sarili ko.

"Ano? Magbabayad ako ng manok?" Tanong ni brook.

"Huh? Wala wala. Nawawala lang kasi yung alaga kong manok e. Tara na baka malate ka pa." At umalis ba kami.

===========

Nash P.O.V

Pumunta ako sa likod ng school para palamigin ang ulo ko. Shet! Ang sakit ng magkabilaang mukha ko! Naflat ata. Iniwan ko na yung mga ungas na yun dahil pinagtatawanan lang nila ako dahil na isahan na naman daw ako ni Zeny. Magbabayad talaga sya sa ginawa nya! Malapit nako sa likod na school ko ng may marinig akong naguusap. Alam ko tong boses na to e.  May nakita akong babae na nakatalikod at lalaki sa harap nya. Teka... Si Nerd yun. Sino naman yung kausap nya?

"Ay oo nga pala. Hehehehe. Ako nga pala si Zeny Anne Abellana. 4th Year Student. Ikaw?"

Si Zeny? Close ba sila? Bago lang dito yan ah.

"I'm Brook Cha. I'm also 4th year student. Nice to meet you." sabi naman nung Nerd.

Mukhang nakahanap na ng kakampi tong nerd na to ah. Kung maghahanap na lang sya ng kakampi dapat yung malakas at lalaki rin. Sabagay mukha naman lalaki tong babaeng to. Hahahahaha-Ouch! Ang sakit ng mukha ko!

Unexpected LoverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!