Unexpected Lover

19 0 0

Prologue

*kriiinnngggg* kriiiinnnggg*

Pinatay ko na yung alarm clock ko ng marinig ko. Nak ng! Sarap pa ng tulog ko e.

Ngayong araw ang pinaka ayaw ko sa buong buhay ko. Ano yun? Ano pa, edi ang first day of school.

Yes, ngayon nga ang unang araw ng aking paghihirap. Huhuhuhu. Nagpuyat kasi ako kagabi. Sana naman kung gaano kadali magpuyat ganon din kadali magising.

Pero hindi e. Teka, kanina pa ko daldal ng daldal di pa pala ako nagpapakilala. Okay.

Ako nga pala si--

"Zeny, bumangon ka na dyan. Malalate ka pa sa school. Ngayon ang first day of school mo kaya dapat hindi ka malate!"

sigaw ni mama sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Yes Nanay." walang gana kong sagot. Inaantok pa ko e. (yawn)

Bumangon nako sa kama ko at dumeretso na ng banyo pero bago pako tuluyang maka pasok sa banyo biglang nagring yung cellphone ko.

*rriinngg*

"Hel--

"Zeny!!! Ommyyghhad!! I can't beleive na magkikita na tayo!! woooohhh! ang saya ko!!"

Nailayo ko na lang yung ang cp ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Barbie.

"Halata nga. O sya sige na. Maliligo na ko baka malate pa ko."

"Bilisan mo. Nandito na kasi ako sa school e. I Miss---"

*toot*toot*

Hindi ko na sya pinatapos dahil mapupunta kami sa kadramahan nya.

Nilapag ko na sa ibabaw ng kama ko ang cp ko at pumasok na sa banyo. Pagpasok ko pa lang sa banyo, salamin na agad ang humungad sakin at sink.

"Hindi ka parin nagbabago, Zeny. Maganda ka parin." sabi ko sa salamin sabay ngiti. Hahaha.

After 30 minutes natapos na ko. Ganun ako katagal maligo. Inaantok pa kasi ako.

Pumunta nako sa cabinet ko at kinuha ang uniform ko. Sa katunayan kase e kauuwi lang namin kahapon galing sa states. Yeah, galing ako ng states dun ako nagaral. First year to third year ako nag aral don. Umuwi kami sa pilipinas kase si kuya Zack. Naaksidente kasi sya sa motor nya. Pano ba nmn nagmaneho sya ng lasing tapos habang nagmamaneho sya sinisigaw daw nya ang pangalan ni ate ysabell. Nagbreak daw kasi sila kaya ayun broken si kuya. Hanggang ngayon nasa hospital pa din sya. Nagising na daw sya pero hnd pa daw sya pwede lumabas.

Pagkatapos kong magbihis bumaba nako sa dining.

"Good morning tatay." Bati ko sa tatay at kiniss ko sya sa pisngi at umupo nako sa bakanteng upuan.

"Zeny, ngayon ang first day mo sa ibang school at ayoko na ng pinapatawag ako. Unlike in states, every day, every week ako pinapatawag dahil sayo. Kung anu-ano ang kalokohan ang ginagawa mo! kaya ngayon magbago kana. Okay baby?"

Sabi sakin ni papa tapos binaba nya na ang dyaryo nya at tumingin sakin.

"Yes tatay." sagot ko habang nakayuko.

"Good baby." sabi nya tapos ginulo nya buhok ko.

"Honey aalis nako baka malate ako sa work ko!" sigaw ni papa kay mama habang naghuhugas ng pinggan.

"Okay honey!" sigaw din ni mama at umalis na si papa.

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na din ako kay mama.

Unexpected LoverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!