Chapter 6

17 0 0

Naglalakad na kami papuntang guidance councelor. Oh Jusko kayo na po bahala sa akin mamaya. Amen. Tapos ng sign of the cross ako.

Malapit na kami sa guidance at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Nanginginig na rin ang paa ko at kamay sa kaba.

Kumatok muna tong disciplinary president sa pintuan.

"Come in!" Sigaw ng isang malalim na boses galing sa loob. Baka siguro yung principal.

Binuksan na ng Disciplinary president and pintuan at pumasok na, sumunod naman ako sa kanya at pinaupo nya ako sa harap ng isang table. Meron namang lalaking nakaupo na nakatalikod sa table siguro eto na yung principal.

Pagharap nya napanganga na lang ako. Kasi para ring syang student dahil sa bata nyang mukha.

"Ilang taong kana?" Nabigla ako at sya sa sinabi ko. Nakakahiya naman =_=

Napatawa naman sya sa tanong ko pati na rin yung disciplinary na nasa likod ko. Ang pogi nya kahit tumatawa.

"Haha...Alam kona na ganyan ang reaksyon mo pag makikita mo ako. Well... ganyan talaga pag baby face. Hahaha. I'm 46 years old." tapos tumawa na namn sya.

"46?! Weeehhh?? Niloloko nyo naman ako e. E magkasing itsura lang tayo e." Sabi ko naman. Really? He's 46 na?

"So..ano pala ang ginawa mo bakit ka napunta dito?" -Principal

"Ano kas--

"Nakita ko po syang nagcucutting." Sabat naman netong disciplinary president.

"Tss tss tss" sabi nya na pailing iling pa.

"First day pa lang ng school Ms. Abellana Cutting na agad? Aba ang tindi mo."-principal

"May valid reason naman po ako kung bakit ko nagawa yon. Tignan nyo to *Pakita sa kanya nung palda kong may pintura siguro dahil hanggang ngayon hindi parin natatanggal* yung kaklase ko pong si Nash ang may gawa neto. Hindi po yan tagos, pintura po ito. Nagawa nya ito dahil galit po sya sakin."

"N-nash??" -principal

"Opo. Yung lalaking mukhang pwet ng manok at pinaglihi sa sama ng loob."

Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Hahahaha. Yung batang yon talaga hindi na magbabago." -principal

"Bakit? Ano po bang meron?"

"His my son."

"O_O" -ako

"Yes, his my son. Well.. bago ka lang dito kaya ngayon mo lang alam." -principal

"Ahh."

"Lahat ginawa ko para lang magbago ang batang yan kaso lahat ng yon nabalewala lang dahil hanggang ngayon hindi parin sya nagbabago at palala sya ng palala."

"Okay. Yung ginawa mong pag cutting hindi parin yon tama dahil labag yun sa rules sa paaralan na ito. Imbes na ipatawag ko ang parents mo, lilinisin mo na lang ang cr ng girls. Nandun na ang mga gagamitin mong panglinis tulad ng mop at iba pa. Hindi din pwede yang suot mong converse dahil pang p.e. lang pwede yan. Pwede ka ng magsimula ngayon."

"Thank you po."

Umalis na kami sa office ng principal.

Padabog akong naglalakad. Dahil sa manok na yon mapapalinis ako ng banyo ng walang oras! Palakad lakad lang ako ng maalala ko na hindi ko pa pala alam kung saan ang cr. Buti na lang hindi pa nakakalayo yung disciplinary president.

Tumakbo ako papunta sa kanya at kinulbit.

"Ahmm... hindi ko kasi alam ang papunta sa cr ng girls. Pwede mo bang ituro sakin kung saan??"

"Diretso ka lang. May makikita kang dalawang pathway kumaliwa ka tapos diretso at nandun kana."

"Salamat."

Sinundan ko naman yung sinabi nya at nakarating ako sa cr ng girls at katabi ang cr ng boys.

Pumasok nako sa loob at may nakita akong mop sa gilid. Padabog kong kinuha yon at padabog din naglinis.

"Nakakainis! Dahil sayong manok ka hawak hawak ko tong pesteng mop nato at napaglinisan ako ng banyo! Arrghh! Nakakabanas! Sinusumpa ko talaga yang mukha m--

Narinig kong bumukas yung pintuan ng isang cubicle sa dulo. Natakot naman ako kasi ganitong scene yung napapanood ko sa mga horror movie, yung biglang may lalabas na babae sa pintuan tapos patay sindi yung mga il--

"Sino ba yang maingay na yan?" Sabi ng isang lalaki na lumabas sa cubicle. WTF!!! Anong ginagawa ng manok na to dito?

"IKAW!!" -kami

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!!" -kami

"WAG MO NGA AKONG GAYAHIN!!" -kami

"Arrghh! Teka nga lang...anong ginagawa mo dito??"-sya

"Hoy! Ako dapat ang magtanong nyan sayo? Ano kayang ginagawa ng isang lalaki sa isang ladies comfort room?? Naboboso ka no?" -ako

"Ako?! Mamboboso?! Bakit ko naman gagawin yon?" -sya

"E ikaw kaya! Bakit ka ba nasa cr ng girls?? Teka... wag mong.... sabihing...... Mygod!" -ako

"Hoy! Hindi ako tulad ng iniisip mo no. Lalaking lalaki ako hindi ako bakla." -sya

"So ano nga ginagawa mo dito?" -ako sabay hawak sa bewang habang hawak ko parin yung mop.

"Long story. Hindi mo din naman maiintindihan. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" -sya

"Naglilinis ako hindi mo nakikita tong mop?!" -akp

"So janitress ka na pala... hahahahahaha!" -sya

So pinagtatawan nya pa ako ng dahil sa kanya kung bakit ako nandito?? Punong puno na talaga ako sa kanya!

"Nang dahil sayo kung bakit ako naglilinis ngayon dito! Kung hindi mulang binigyan ng pintura yung upuan ko hindi ako magkakaron neto sa palda ko! At dahil don napilitan akong hindi pumasok kaya nagcutting ako! Dahil naman sa pagcutting ko nakita ako ng disciplinary president at sa guidance office ang bagsak ko!" sigaw ko sa kanya.

"Tss ang ingay mo." Yan lang sabi nya at nilampasan nako at lumabas na.

Really? Sa haba ng sinabi ko yan lang sasabihin nya?.

Nakatalikod parin ako sa kanya ng magsalita naman sya sa likoran ko.

"Nalock ata tayo rito."

Unexpected LoverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!