C.27

9.7K 281 2
                                    

6 months ago....

"Franiella come on, the driver is here" tawag ni mommy sakin..

Napatingin ako sa wall clock at nakitang mag a-alas 10 napala ng gabi..

Napabuntong hininga nalang ako marahil sa pagod..

Binalingan ko si mommy at binigyan ito ng tipid na ngiti...

At malungkot na inayos ang mga gamit sa lamesa ko...

Ilang buwan naba? Six months nadin..

Napahawak ako sa may walang umbok kong tiyan at napabuntong hininga muli..

Sinabi kulang na time and space diko sinabing mawala ka sa paningin kong animal ka...

Napapunas ako ng dali dali ng mga luhang umagalpas sa mga mata ko..

I hate you stan...

Bakit dika nag paparamdam o nagpapakita?

Buwisit ka talagang animal ka!!!

"Honey are you okay?" Tanong ni mom..

Napayakap ako dito ng wala sa oras at napahagulgol..

Ewan kuba siguro ganito talaga ang mga buntis madam damin...

"He again?" Malambing na tanong ni mommy..

Naikwento kuna kila mommy ang taong kumidnap sakin..

Nung una galit na galit si daddy ngunit sinabi kong mahal ko ang taong iyon..

Habang si mommy di makapaniwalang isa sa mga makapang yarihang tao daw ang kumidnap sakin...

Nung humingi ako kay stan ng time and space ay inasikaso ko ang lahat na dapat na asikasuhin kasama si ate doon..

Nung dinalaw ko ito sa mental ay ganun padin ito nag wawala pag nakikita ako..

Kaya simula nun dina muna ako nagpakita sakanya..

Ngunit ang mokong nasi stan ay nawala nung unang buwan pinagbigyan ko ito ngunit dumaan pa ang ilang buwan halos mabaliw baliw na ako kakaantay sakanya..

"Mommy I miss him"

Umiiyak kong sumbong dito.. kahit na anim na buwan na ang tiyan ko ay pumapasok padin ako sa office at nag papalate ng uwi dahil nagbabakasakaling makita ko ang binata..

Ngunit wala talaga..

"Sshh.. it's okay even i don't know mr. Lincoln, I know for sure he really loves you" bulong ni mommy..

Tumango ako dito at pinilit na patigilin ang mga luha..

Napaayos ako ng upo sa sasakyan at ngumiti kay mommy..

"Thank you mom" anya ko dito

Matamis itong ngumiti bago tumango..

At napatingin sa labas ng sasakyan..

At isang ideya ang pumasok sa utak ko..

Tama kung ayaw mong magpakita ako ang maghahanap san kaman...

-------------------------------------

"Ma'am andito na ho tayo sa sta. Lukvan"

Napatayo ako sa speedboat na sinasakyan ko at sabik na tinanaw ang sta. Lukvan..

Bago ko dalawin ang mansyon ni stan gusto ko muna dalawin sila satan...

Napatingin ang ibang mangingisda sakin..

Dinila kasi nakikita ang itsura ko dahil naka sombrero ako at may mask ang bibig..

Ng nasa papag na ang speedboat sinabihan ko itong dalhin ang mga dala ko..

Mga pasalubong ko ito sa sta. Lukvan siguro ang iba ay ipapadala pa bukas..

Dali daling naglakad ako papunta sa bahay nila nanay baksin..

Nakita ko ang likudang bahay nila na may lumalabas na usok sa parang chime nila..

Senyales na nagluluto na siguro si nanay baksin o ang anak nitong babae..

Ng nasa tapat na ako ng bahay nila nanay baksin agad akong kumatok sa pintuan nila..

"Diha naaaa!!" Sigaw ni nanay baksin..

Ewan pero napabungisngis ako...

Ng bumukas ang pinto nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni nanay baksin..

"T-teka ngayon naho ba kayo maniningil wala pa akong pera teka!! Kababayad kulang nung isang li-"

"Nay baksin it's me" anya ko..

Tyaka ko tinanggal ang mask na nasa muka ko..

O .O--- nanay baksin..

Napa bungisngis ako sa turan nito..

"BEAUTY!!!" hesterikal na sigaw ni nanay baksin...

Pagkasigaw ni nanay baksin nun ay biglang lumitaw sa likod ni nanay baksin si Vivian ..

At ang nakakagulat ay

Buntis ito...

Hostage by Him [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon