Chapter 9: She's missing again

502 36 1
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin namin napapatahan si Edlai. Hindi namin alam kung ano ba ang gagawin namin para tumigil na siya kakaiyak.

"Edlai." Tinapik ko ang likod niya. "Ano ba kasi ang problema?"

Tanging paghikbi lang ang sinagot niya sa amin. Tumayo naman si Rica at lumapit sa kanya.

"Edlai." Aniya sa malambing na tono. "Magpahinga ka na lang muna siguro."

Makalipas ang ilang oras naisipan ni Jacob na maghanap ng pagkain sumama din sa kanya si Hiatus. Si Edlai naman nakatulog na rin. Hindi ko nga alam kung bakit ganon sya kaapektado sa mga nakwento ko kanina tungkol sa panaginip ko eh panaginip lang naman ang mga iyon.

"Sa tingin mo may tinatago sa atin si Edlai?" Tanong ni Rica sa akin.

Nandito kami ngayong tatlo sa tabing dagat kasama namin si Annie.

Siguro kapag maayos na ang lahat saka namin hahanapin ang taong sinasabi ni Lord Achelous sa amin. At saka hindi din kasi namin alam kung saan kami magsisimulang maghanap.

"Oo." Sagot ko. "Hindi naman kasi ganyan dati si Edlai."

"Nakakapagtaka lang pagdating kay Hiatus bigla siyang umiyak ng umiyak." Ani Annie.

Napatingin naman sa kanya si Rica.

"For once, naging matino ka din kausap Annie." Wika ni Rica. "Mabait ka rin naman pala."

"I'm not used to show what are my feelings." Aniya. "Kaya siguro minsan hindi magaganda ang mga sinasabi ko." Makahulugang sabi niya at muntik namang matawa ang isa.

"Alam mo magiging magkaibigan tayong lima nila Jessica." Sagot ni Rica. "Kaugali mo kasi si Edlai minsan at madalas naman si Jessica na tahimik."

"At syempre ako rin." Sagot ko rin at ngumiti.

Napangiti rin sila.

"Alam nyo." Si Annie. "Hindi ko talaga ginusto lahat ng sinabi ko sa inyo lalo na sayo Rica." Aniya. "Nadala lang siguro ako ng emosyon ko noon nang mawala yung kakambal ko."

"May kakambal ka?" Gulat na tanong ni Rica. "Edi dalawang sakit kayo sa ulo niyan?" Tumawa siya.

Tumawa din ng bahagya si Annie.

Sadyang napakabilis talaga ng panahon. Parang dati lang nag-aaway itong dalawa pero ngayon magkabati na.

THE CURSED DEMIGOD [BOOK 1]Where stories live. Discover now