CHAPTER 8 - 9

410 40 3
                                    

Ilang sandali lang ang nakalipas. Mula sa kinatatayuan ni Aling Mellisa, kitang-kita nito ang nagpupulang mga mata na nakapalibot sa buong paligid niya. Ang mga matang ito'y parang galit na galit at lahat ay nakatitig sa kanya. Yumuko si Aling Mellisa at tinakpan ang mga mata ng hindi makita ang nasa paligid.

"Mellisa! Mellisa! Mellisa!" sunod-sunod na tawag at ng tingnan niya ito, nasa harap na nito ang Reyna.

"Hahaha..." napahalakhak ang Reyna habang sinasakal si Aling Mellisa.

Hindi makapalag si Aling Mellisa dahil sa lakas na hindi niya kayang labanan. Unti-unti siyang itinaas habang sakal at hinigpitan pa ng hinigpitan. Parang mawawalan na ng hininga si Aling Mellisa at hindi niya magawang makatakas sa pagkakasakal. May kung anong bagay ang nanggaling sa malayo na bigla na lamang tumama sa likod ng Reynang aswang at siyang pagbitaw nito kay Aling Mellisa.

"Hindi! Sino ang may gawa nito?" galit na sigaw ng Reyna habang tinatanggal ang matulis na bakal sa kanyang likuran.

"Ako!" tinig mula sa binatang si Cedric at unti-unting nanumbalik ang liwanag sa paligid na siya namang paglitaw niyo.

Agad na tumakbo si Mang Pedring Kay Aling Mellisa dahil hinimatay ito at dinala na malayo sa dalawa.

"Hindi ka pa rin pala patay at nagtataka ako kung saan nanggaling yang pagiging makapangyarihan mo!" sigaw ng Inang aswang habang tumatayo at parang hindi man lang napuruhan sa ginawa ng binata.

Itinaas ni Cedric ang kuwintas at talagang ikinagulat 'yun ng lahat ng aswang pati na rin ang itinuturing nilang pinuno. Isang napakakaking himala ang nasaksihan ng mga taga-Silibas ng biglang lumuhod at yumuko ang mga ito at para bang nagbibigay pugay sa bagay na hawak ng binata.

Walang nagawa ang Reyna kundi pagmasdan ang mga angkang nagluhod pero hindi niya ito ginawa dahil alam niyang insulto at hindi siya papayag na sambahin ang isang bagay na nanggaling lang isang Demonyo. Nagkaroon na ng malay si Aling Mellisa at pati siya ay nagulat sa nangyayari.

"Bakit po sila lumuluhod sa kuwintas?" pagtatakang tanong niya sa matanda.

"Hindi ko rin alam pero sa tingin ko, may mali sa pangyayari," tugon nito.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ulit ni Aling Mellisa.

"Hindi ang kuwintas ang sinasamba at binibigyan nila ng pugay. Kundi si Cedric na itinuturing nilang bagong pinuno," pabiglang tugon ng matanda.

Talagang nasindak si Aling Mellisa sa narinig dahil hindi niya aakalaing tuluyan ng lalamunin ng kasamaan ang pag-iisip ni Cedric pati ang pagkatao nito. Akmang susugurin na ng Reyna si Cedric pero naunahan siya nito at nahawakan ang kanyang kamay. Iniangat paitaas at gamit ang kaliwang kamay ng binata habang hawak-hawak ng kanang kamay niya ang dalawang palad ng Reyna, dinukot niya ang puso nito at nakita iyon ng lahat ng mga tao at aswang.

Napatitig ang Inang aswang ni Cedric sa kanya at nagbigkas.

"Hindi magtatapos ang lahing aswang hangga't may taong nagnanais nito!" at isang malakas na sigaw ang narinig ng lahat bago nalagutan ng hininga ang Reyna ng mga ito.

Binitiwan ni Cedric ang patay na dating pinuno ng mga aswang at tumitig sa lahat ng taong nasa buong paligid.

"Makinig kayong Lahat. Gusto kong panatilihin niyo ang sekreto ng mga aswang ngayon at sa mga susunod pang henerasyon," bigkasng binata na may pagmamalaki sa sarili.

"At bakit naman namin gagawin 'yon?" medyo pasigaw na tanong ni Aling Mellisa dahil alam niyang hindi si Cedric ang kaharap niya ngayon.

Ngumiti si Cedric at tinitigang mabuti si Aling Mellisa.

"Dahil kailanman ay hindi magtatapos ang kasamaan sa mundo kaya hindi rin mawawala ang mga bagong likhang nilalang Aling Mellisa!" tugon ng binata.

Hindi makapagsalita si Aling Mellisa dahil nagtataka siya dahil nakikilala pa siya nito gayung nalamon na ng kasamaan.

"Ang hindi susunod, mamamatay!" sigaw ni Cedric na may halong pananakot.

-----

Nagalit si Aling Mellisa sa mga binanggit ng binata at ng tumalikod ito'y agad niyang inagaw ang kuwintas.

"Nang dahil ba rito kaya ka nagkakaganyan?" galit na bigkas ni Aling Mellisa habang hawak-hawak ang kuwintas.

"Huwag kang magkakamaling agawin 'yan kung ayaw mong mamamatay!" sigaw ng binata at naging kulay pula ang mga mata nito na parang mata ng isang Demonyo.

"Hindi na ako natatakot ano man ang ipakita mo o maging anyo dahil hindi ikaw si Cedric," wika ni Aling Mellisa at ang lahat ng tao'y umatras dahil sa takot na baka madamay ulit sila.

Malapit ng sumapit ang umaga at nag-umpisa ng tumilaok ang mga manok. Isang nakasisindak na pangyayari ang nasaksihan ulit ni Aling Mellisa, ang pagbabagong anyo ng mga angkan ngayon ni Cedric at ibang-iba ito 'di tulad ng dati. Napaatras din si Aling Mellisa dahil sa pagsulong ng mga aswang pati na rin si Cedric.

"Mellisa! Sirain mo na ang kuwintas!" sigaw ni Mang Pedring sa 'di kalayuan.

Napangiti si Aling Mellisa at tumitig sa Aswang na anyo ni Cedric at gamit ang dalawang kamay.

"Hindi ko hahayaang maging tirahan ng mga aswang ang Silibas at pamunuan ng taong pinagkakatiwalaan ko!" sabay putol ng kuwintas nahawak at inihagis sa harap ng binata.

"Waahaah..." sigaw ng kaluluwang Demonyo na pilit na pumapasok sa katawan ng binata at 'yun ang halimaw na nagmamay-ari ng kuwintas.

Sa tulong ni Mang Pedring, ibinuhos niya ang Holy Water sa katawan ni Cedric at tuluyan ng nahiwalay ang kasamaan na nanaig sa kanyang pagkatao. Dahil sa naubos ang lakas ng binata, natumba ito sa kinatatayuan at hinimatay. Inilalayan ni Aling Mellisa at Mang Pedring at dinala sa bahay ng manggagamot. Napaiyak si Aling Mellisa dahil sa kalagayang sinapit ng binata at sa lahat ng tao sa buong baryo ng Silibas.

"Tapos na ang paghihirap. Huwag mo ng isipin pa," wika ng matanda at niyakap si Aling Mellisa.

Tuluyan ng sumikat ang araw at nagtipon ang lahat ng tao upang ayusin ang lahat ng nasira pati na pagpapalibing sa mga kaanak na namatay. Habang nagpapahinga si Cedric at hindi pa nagkakaroon ng malay, lumapit ang isang batang babae na nanginginig sa takot na may halong galit.

"Kuya! Ano ang ginawa nila sa iyo at sa nanay natin? Wala silang alam kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito," bigkas ng bata na kapatid pala ni Cedric.

May isa pang tao ang pumasok sa kwarto kung nasaan si Cedric at nagsabi

"Magbabayad ang lahat ng tao sa Silibas at pati rin sa buong mundo," galit na sabi ng lalaki na siya namang ama ni Cedric.

Nagmulat ang mga mata ng binata at unang napagmasdan ang ama at bunsong kapatid na nakangiti sa kanya. Tumayo ang binata sa kinahihigaan at ngumiti ng napakasama.

"Ipapakita natin kung sino ang totoong na makapangyarihan at kung ano ang kayang gawin ng tunay na aswang," bigkas ng binata.

Ano nga ba talaga ang totoong pagkatao ni Cedric? Kailan matatapos ang kasamaan? At ano ang misteryosong nilalang na hindi pa nakikita ng taga-Silibas?

IPAGPAPATULOY...
-----

Misteryoso 1 (Completed)Where stories live. Discover now