CHAPTER 3

461 47 1
                                    

"AYOS lang po ba kayo?" tinig mula sa lalaki.

"Diyos ko!" na para bang hihimatayin si Aling Mellisa sa biglaang pagkagulat.

Bigla kasing sumulpot 'yung lalaki sa harap niya na hindi man lang napapansin.

"Paano mo nagawa 'yun? 'yang mabilis mong pagkawala at pagbabalik?" sunod-sunod na tanong ni Aling Mellisa.

"May lahi po kasi akong aswang," tugon nito.

Kahit nagtataka, agad itong naintindihan ni Aling Mellisa at naisip niya na gano'n pala talaga ang kayang gawin ng mga aswang.

"Iyon ba ang nanay mo?" muling tanong nito.

"Oo! Mukhang mabait pero ginagawa niya lang 'yon para may mabiktima siya," tugon nito.

"Teka, baka naman may epekto 'yung paghawak ko ng kamay sa kanya!" kabang wika nito.

"Wala po 'yun. Mangyayari lamang 'yan kung may bagay siyang ibinigay sayo tapos tinanggap mo. Halimbawa, pagkain. Sa oras na makain mo 'yun at galing sa aswang, puwede ka nilang magalaw ng hindi mo nalalaman," paliwanag ni Cedric.

"Huwag mong sabihing ako ang gustong biktimahin ng nanay mo?" takot na tanong ni Aling Mellisa.

"Gano'n na nga dahil na rin sa pagpapapasok mo sa kanya rito at ang lahat ng nandito'y natandaan niya ang amoy pati na rin ikaw," muling salaysay ni Cedric.

"Ano?" pabigla nito at para bang natatakot na siya.

"Wala akong magagawa kundi magplano at kailangan natin siyang mapigilan sa pamanagitan mo!" wika ng binata.

"Huh? Bakit ako?" pabigla muli ni Aling Mellisa.

"Ang ibig kong sabihin, dahil ikaw na rin naman 'yung nagustuhan niyang biktimahin ay kailangang mag-isip tayo ng paraan para rito na mismo magtapos," bigkas ni Cedric.

Kahit nakakaramdam ng takot, tumugon na lan sa plano ni Cedric si Aling Mellisa dahil alam niyang kahit papaano'y may tutulong sa kanya. Lumipas ang ilang oras at malapit ng gumabi. Hindi mapakali si Aling Mellisa at panay ang kanyang lakad.

"Kalma lang po ate. Magdasal tayo na sana magtagumpay ito," wika ni Cedric.

"Eh! Sino ba naman kasi ang hindi matataranta kung alam mong nasa panganib ka." Patuloy sa paglakad.

"Huwag po kayong mag-alala at hindi ko hahayaan si Ina na saktan ka," ngiting wika ni Cedric.

Medyo naging kalmado si Aling Mellisa dahil sa mga binanggit ng binata pero hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang sinabi nito na siya raw ang bibiktimahin. Tumayo ang binata at may kung anong dinukot sa bulsa. Mayamaya'y lumapit siya kay Aling Mellisa at ibinigay ang batong kuwintas na hawak nito.

"Para saan ito?" tanong ni Aling Mellisa.

"Kung naniniwala kayo na may mas makapangyarihan pa sa aking Ina bukod sa Diyos, 'yung ay ang kuwintas na 'yan. Hinding-hindi ka nila magagalaw hangga't nasa iyo 'yan.

"Ang ibig mong sabihin na ito 'yung dahilan kung bakit ka pa buhay hanggang ngayon?" pagtatakang tanong ni Aling Mellisa.

"Ganoon na nga. Hindi rin 'yan basta-basta dahil kaya mong magtago at matakasan sila tulad ng ginawa ko kanina na nandito lang ako pero hindi niya ako napansin o naamoy," salaysay ng binata.

"Paano na ngayon 'yan? Ikaw naman ang mapapahamak dahil malalaman nilang buhay ka pa," wika ni Aling Mellisa.

"Tatanggapin ko ang mangyayari basta mapigilan lang sila at isa pa, si Ina ang pinuno ngayon ng mga aswang kaya kung mamamatay siya ay mamamatay din ang iba," paliwanag ni Cedric.

"Pero talaga bang napakalakas ng Ina mo?" tanong ni Aling Mellisa.

"Higit pa sa inaasahan mo. Nasa kanya na ang kaalaman tungkol sa pagiging Reyna ng mga aswang," dagdag pa nito.

"Ayos lang sa iyo na mamatay ang nanay mo?" tanong nito.

"Kahit ikaw ate. Gagawin 'yon para lang hindi masawi ang buhay ng nakararami," ani Cedric.

Napahinga ng malalim si Aling Mellisa at agad nitong kinuha ang kamay ng binata upang ibalik ang kuwintas na ibinigay sa kanya.

"Bakit po?" tanong nito.

"Alam kong kailangan ko 'yan pero mas kailangan mo dahil kung mapapatay ka nila, mas marami na ngayon ang mapapahamak," sabi nito.

"Haaahhh..." sigaw na nagmula sa kapitbahay niya.

"Ano yun?" napatanong ang dalawa.

Agad na binuksan ni Aling Mellisa ang pintuan at sabay silang nagtungo sa sumigaw. Pagdating nila ay nakita na lamang nila ang isang babae na hawak-hawak ang sanggol na wala ng ulo. Nagdatingan ang iba pang mga tao at kitang-kita nila ang pangyayari.

"Sino ang may gawa niyan," sigaw ng isa sa mga kapitbahay.

Pero patuloy pa rin sa pag-iyak ang Ina ng sanggol at para itong nanginginig sa takot.

"Ngayon lang nangyari ito. Pero ang hinala ko, aswang ang may gawa nito!" sigaw pa ng isang kapitbahay.

"Aswang? Aswang? Aswang?" paulit-ulit na binabanggit ng mga tao at halos silang lahat ay nakaramdam ng takot.

"At sino namang aswang ang gagawa niyan?" pagtatanong nila sa nagsalita.

"Hindi pa natin alam pero dahil sa pangyayaring ito, dapat na tayong kumilos at gumawa ng plano ng hindi na maulit ito," suhestyon ng isa.

Walang magawa si Aling Mellisa at bigla na lamang siyang hinila ni Cedric pabalik sa bahay nito.

"Ang akala ko ba na ako ang bibiktimahin. Eh! bakit 'yung bata na walang kaalam-alam," umiiyak na wika ni Aling Mellisa.

"Oo! Sa nanay ko subalit ibang aswang ang may gawa nu'n," tugon nito.

"Ano? Ibang aswang? Huwag mong sabihing napakarami nila?" sunod-sunod nitong tanong.

"Ngayon lang sila nag-umpisang sumalakay pero ang mas kinatatakot ko kung lumaban ang mga tao rito," tugon ni Cedric.

"Syempre na 'yun ang gagawin ng lahat lalo't alam nilang ikakabuti ng nakararami," wika ni Aling Mellisa.

"Wala silang alam kung paano mapapatay ang mga aswang at kung lulusubin man nila ito, sinigurado kong hindi pa sila nakalalapit ay patay na sila," bigkas ng binata.

Sa haba ng pagpapaliwanag ni Cedric, mas lalo pang naunawaan ni Aling Mellisa ang kakayahan ng mga aswang.

IPAGPAPATULOY...
-----

Misteryoso 1 (Completed)Where stories live. Discover now