Cαριτυlυm VII: Witches and Warlocks

88 23 25
                                    

"Wow." Pumalakpak ng mabagal ang lalaking sumigaw kanina na umilag ako. Sinundan ito ng iba pang palakpak. Hanggang sa napuno ng palakpak ang silid.

"Ang kulay puti na ilaw!" usal ng isang matabang lalaki na may kulot na buhok at nakatayo sa gilid ng lalaking pumalakpak.

"Ang pinakamalakas sa lahat ng ilaw!"

Nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat. Bakas sa mukha nila ang gulat.

"Pinakamalakas?" tanong ko sa aking sarili.

Ilang sandali pa ay napuno ng tawanan ang buong silid.

"Hahaha! Nakita niyo ba ang itsura niya? Paniwalang-paniwala siya! Hahahaha!" Napapahampas pa siya sa katabi niya sa sobrang tawa.

"Puti ang ilaw, malakas? Hahahahaha!"

"Bro, gayahin mo nga ang reaksyon niya!!"

Umakto naman ang isang lalaki na parang nagulat at mas lalong nagtawanan ang lahat.

Kinuyom ko ang mga kamay ko sa inis. Ang lakas mang-asar ng mga tao dito sa loob. Kinuha ko mula sa desk ang mga libro. Aalis na muna ako sa lugar na 'to.

"Maraming bitbit na libro pero lakas lang ng wand hindi alam eh!"

Muling nagtawanan ang lahat nang sabihin niya 'yon.

"Para namang sobrang hirap gumawa ng sheild. Hahaha!!"

Pabagsak kong isinara ang pinto, saktong kaka-bell lang din paglabas ko. Hindi pa ako nakakalayo sa pinto ay parang magkaka-stampede na nang tumakbo papalabas sa mga silid ang mga estudyante. Hindi na rin ako makalakad ng matino kaya ang nagawa ko na lang ay tumayo ng tuwid habang niyayakap ang mga libro at nakapikit ang mga mata habang nabubunggo ako ng hindi mabilang na estudyante. Mayamaya pa ay naramdaman kong wala ng nagtatakbuhan kaya unti-unti kong idinilat ang paligid at bumungad sa akin ang parang crystal na kulay blue na nakapalibot sa akin. Nakikita ko mula sa loob ang mga estudyanteng nagpapaunahan sa pagkatbo palabas.

Nang humupa na ang mga estudyante ay unti-unti ring nawawala ang crystal na asul na nakapaligid sa akin. Nang tuluyang nawala ang parang kapsula na bumalot sa akin, bumungad sa akin ang lalaking may hawak na wand na pinagmumulan ng blue na ilaw at marahil ay pinanggalingan din ng kapsula. Siya ang lalaking kasama ni Agathon kanina paglabas ko sa library.

"Makakaalis kana ng maayos," usal niya. Isinilid niya ang kamay niya na may hawak na wand sa loob ng bulsa niya at naglakad siya palabas sa malaking pintuan.

Sandali akong napatulala sa hangin habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo.

"Lakad na, para kang walang kwentang estatwa na nakatayo diyan sa gitna."

Nilagpasan ako ng lalaking nagsalita sa likod ko. Yung tinatawag nilang Agathon. Kasunod niya ang mga alipores niya; ang lalaking higante kanina na biglang nag-transform sa maliit na lalaki, isang chubby na lalaki na may kulot na buhok, at isang kalbo na lalaki na may scar sa noo.

Agad namang kumilos ang mga paa ko at sinundan kung saan papunta ang mga estudyante. Papunta ang lahat sa malaking bahay kung saan kami kumain kagabi.

Kumuha na ako ng makakain at naghanap ng mauupuan. Sinubukan kong hanapin ang kasama ko sa kwarto pero hindi siya mahagilap ng mga mata ko. Nakikita ko pa na tila nagpapayabangan ang mga estudyante sa mga kakayahan ng wand nila. Mayroong nagpapalabas ng apoy mula sa wand niya, mayroon ring ginawa niyang butterfly ang kasama niya, ang isa naman ay nakasuot ng magarbong gown na akala mo ay may pupuntahang party nang bigla na lang may yellow na ilaw na mula sa isang wand ang dumikit sa gown niya at biglang suot-suot niya na ang kasuotan na hugis saging. Dahil doon ay nagtawanan ang marami sa itsura ng babae. Ginantihan din niya ang pinagmulan ng yellow na wand, bigla na lang lumaki ang mga mata ng lalaki kaya pinagtawanan din ito.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon