Chapter 1: Beginning

15.3K 306 7
                                    


Boring. Ayan ang madalas pumasok sa utak ko. Kolehiyo na ako pero parang hindi exciting ang takbo ng buhay estudyante ko. Sabi nila high school daw ang pinakamasaya! Lahat magagawa mo, sabagay nowadays ang karamihan sa  mga high school students ngayon ay slightly pasaway. Nandyan ung cutting classes doon, cutting classes dito. Walwalan here, walwalan there.  At party-party kung saan-saan. Sounds interesting right? Pero hindi ako ganyan. Gaya ng sabi ko 'karamihan' ganyan pero hindi ko 'nilalahat'. Dyan ako pumasok sa kategoryang yan. Hindi ako matalinong student nung high school pero pasado lahat ng grades ko.

Mukha na ba akong loner dahil sa mga chika ko? Actually masaya ang high school life ko kasi marami akong friends at may two bestfriend din. Kaso hanggang sa makagraduate ako ng high school na parang hindi ako kuntento sa buhay estudyante ko. Yung pakiramdam mo na parang may kulang ganern! Kaya ngayong kolehiyo na ako gusto ko naman magkaroon ng exciting sa buhay ko.

At dyan na pumasok itong lalaking lagi kong inoobserbahan mula sa malayo.

"Bakla kain na tayo! Ituloy mo na lang yan mamaya. Gutom na meee eh!" Nilingon ko si bianca sabay balik ulit dun sa tinitingnan ko.

Tuwing may vacant time kami lagi ganito ang ginagawa ko. Inoobserbahan at nagmamasid sa kanya mula sa malayo.

"Tara na!" Sabi ko na nagpapalakpak naman sa katabi ko sabay yapos sa kanang braso ko.

"Ano bakla mga nagutom na kayo kaya nagsibaba na kayo no?!" Padabog na naupo si bianca sa tabi ni gray sabay papak ng fries ng huli.

"Ingrata ka talaga! Bumili ka nga ng iyo!" Buwelta naman ni gray.

Ngumuso si bianca at bumaling sakin. " bexi gusto ko din ng fries ah, ung large! Thank you muaaps!" Umikot ang mata ko bago tumayo sa harapan nilang dalawa.

Tuwing may pasok ganito ang scenario namin. Ang sasama sakin ay maililibre ng lunch. Pagbalik ko ng mesa tuwang tuwa si bianca at sinimulan na ang paglamon.

Napatigil ako sa gitna ng pagkain ko kaya napatigil din ang dalawa sa paglamaon at sinundan kung sino ang tinititigan ko.

Hindi ko tuloy maiwasang mag balik tanaw kung paano lahat nagsimula 'to.

Lunes noon rush hour kaya hindi ako naihatid ni dad at kuya kasi maaga silang pumasok ng opisina kaya commute muna ang lola nyo. Well sanay naman ako mag commute mas gusto ko nga 'to kasi ibat ibang tao ang nakakasalamuha ko kahit ba walang usap na nagaganap.

Sa six seater ako umupo, yung doon sa pinakadulo ng bus. Pangalawa sa bintana yung pwesto ko. Minsan napapaisip ako sa driver at konduktor yung tipong siksikan na pero kung makatawag ng pasahero ay wagas. Marami pang bakante! Napailing nalang ako kay kuyang konduktor. Marami daw bakante pero para na kaming sardinas dito sa loob ng bus.

Malapit nang umalis yung bus ng mapansin ko yung bagong sakay. I think school mate ko sya base sa school uniform na suot nya. Tahimik syang nakipagsiksikan hanggang sa makarating sya dito sa dulo ng bus at ipinilit yung sarili sa six seater para makaupo. Katabi ko sya ngayon kaya nabeastmode ako! Alam ng masikip, sisiksik pa! Lumingon ako sa kanan ko para tignan yung reaksyon ng kapwa pasehero ko kung na-beastmode din ba sya like me pero hindi. Umayos lang ng upo yung katabi ko at nagpakabusy na sa sarili.

Napabuntong hininga nalang ako. Tama lang pala yung bilang namin sa upuan. Hindi ko napasin na lima lang pala kaming nakaupo kanina at pang anim sya. Pero nakakabadtrip pa din! Sana tumayo nalang sya. Tinignan ko sya ng masama para maiparating na badtrip ako pero si kuya mo wapakels sakin. Hindi manlang ako sinulyapan!
Iba din!

Inoobserbahan ko lang ung paligid ko hanggang sa napansin kong si manong na nakatayo sa unahan ko ay paulit ulit na tinapakan itong sapatos ng katabi ko. Sayang puti pa naman.

Pero ng nilingon ko sya parang wala lang sa kanya ang paulit ulit na pagtapak sa kanya. Kaya nung napadaan kami sa humps ay pasimple ko syang siniko parang makaganti sa pagsiksik nya sakin sabay hilaw na nag sorry sa kanya. Pero si kuya mo sinulyapan lang ako ng walang emosyon tapos ayun na yun!

Kala ko pamandin maghahamon ng suntukan. 

--

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now