CHAPTER 11

985 29 33
                                    

COMMENT GUYS IF PANGET ANG UPDATE 😂
SENSYA IF NGAYUN LANG NAKAPAG UPDATE NAGING BUSY SA GC 😂
YUN LANG SALAMAT HAHAHA.

Pagod na nahiga si messy sa malambot nyang higaan sabay yakap sa unan na mahaba.

Pagod na pagod sya ngayun araw, well always naman eh. Sa laki ba naman ng nililinis nya saka naglalaba pa at magpaplantsa.

Kapagkuwan dumapa sya sa kama sabay pikit ng mga mata. Matutulog muna sya kahit saglit lang para mamaya may lakas. Magpaplantsa pa sya mamayang gabi bago matulog araw araw nya iyon ginagawa para hindi matambakan.

Maya maya ay mahimbing na natutulog si messy sa kanyang silid.

Makalipas ng ilang sandali naanlipungatan si Messy sa mga katok sa labas ng kanyang kwarto. Pupungas-pungas syang bumangon sa higaan at nagtungo sa pintuan ng silid saka ito binuksan.

Napagbuksan nya ang among nyang lalake na si Chase." Boss?" Gulat nyang wika ng makita ito sa labas ng silid.

" Nagising ata kita?" Tanong nito ng makitang kinukusot nya ang mga mata.

Umiling sya sa kanyang amo." Ayus lang boss, may kelangan po ba kayo?" Tanong ko kapagkuwan.

" Hindi kasi makakapagluto si ma'am Cheska mo dahil nanakit ang likod nya, kaya ikaw na muna magluto, okey lang ba?" Seryuso nitong paliwanag sa kanya sabay tanong.

" Naku! Ayus lang boss." Mabilis nyang sagot." Pero sana lang po magustuhan nyu ang luto ko." May pag aalinlangan sa kanyang boses.

" It's okey Messy, Sabi naman ni misis marunong ka naman magluto." Anito sabay ngiti sa kanya.

Nawala ang kaba nya sa sinabi ng kanyang amo.

" Okey po." Kimi nyang tugon, ngayun hindi na sya mag aalinlangan dahil okey lang sa mga amo nya if hindi masarap ang kanyang luto.

Maya maya ay nag paalam na si boss chase at umalis na.

Nang mawala na ang amo bumalik sya sa loob ng silid para ayusin ang sarili. Nagtungo sya sa banyo para maghilamos ng muka saka nagsuklay ng buhok bago lumabas ng kwarto.

Nakita nya kanina sa wall clock alas sais na ng gabi pero maliwanag parin sa labas kaya hindi mo masasabi na gabi.

Pagdating sa kusina nagulat sya ng makita si boss chase. Mukang inaantay sya nito habang nakaupo sa stool.

" Boss." Tawag ko dito.

" Andyan kana pala messy." Gulat nitong Saad sabay ngiti.

" Ano pong ginagawa nyu dito boss?" Tanong ko ng makalapit sa amo.

" Hinaantay ka, pinapunta kasi ako ni misis at sabihin sayo kung ano mga lulutuin mo ngayun."

Marahan syang napatango-tango at nakinig sa mga sinasabi nito.

After magbilin nagpaalam na sa kanya si boss chase." Sige alis na ako, sarapan mo huh?" Nakangiti nitong wika habang papalabas ng kusina.

" Opo." Pahabol niyang sagot.

Napangiti si messy kasi makakapagluto na sya ngayun. Ang tagal na nya dito pero ngayun nya lang maipagluluto ang mga amo.

Kapagkuwan nag umpisa na syang kumilos dahil six thirty na ng gabi.

Tatlong putahi ang kanyang lulutuin at lutong pinoy iyon kasi ang gusto ng mga amo nya.

Naghiwa sya ng mga engridients bago magluto at hinugasan ang mga baboy at manok.

Makalipas ng ilang sandali nag umpisa na syang magluto para matapos agad. Habang nagluluto nagsaing sya sa rice cooker para kapag natapos na sya magluto ng ulam tapos narin mag saing.

CRUSH KITAWhere stories live. Discover now