CHAPTER TEN

614 12 3
                                    

Galit na lumabas ng sasakyan si Miggy at pabalibag nyang sinara ang pinto ng kanyang kotse. Sa lakas ng pagkakasara nya parang mayayanig ang buong sasakyan.

Pumunta na sya sa bahay saka binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang katahimikan ng bahay, iyon naman ang gusto nya. Ayaw nya ng ingay o magulo sa loob ng sa kanyang bahay.

Nagiging maingay at magulo lang ang kanyang bahay kapag nandito si lee at Zion. Lagi syang binubulabog ng dalawa dahil silang tatlo na lang ang single sa barkada. Kaya naman laging nasa bahay ang mga ito para manggulo.

Mga kaibigan nya lang ang welcume sa bahay wala ng iba. Wala syang ibang pinapapasok.

Maya maya ay napabuga sya ng hangin pagkaupo nya sa sofa, Saka napahawak sa kanyang nuo. dahil biglang nanakit ng maalala ang nanyare kanina sa pagitan nila ni messy ang kasambahay ni chase. Sya na nga nagmamalasakit, tinarayan pa sya nito. Sa inis nya iniwanan talaga nya ang babae. Masyado ng mainit ulo nya para pansin pa ito.

Marami syang ginawa sa opisina kaya ginabi sya ng uwe ngayun. Sa subrang abala nya ay hindi pa sya nakain ng hapunan.

" Hey !"

Napakunot ang kanyang nuo ng marinig ang boses ni Lee. Ano naman kaya ginagawa ng lalake na ito sa kanyang bahay?

Ipinilig nya ang kanyang ulo saka kapagkuwan ay hinanap nya kung nasaan si lee at nakita nya nga ito sa pinto ng kanyang komedor na prenteng nakatayo doon at may hawak pang bote ng alak at baso sa kamay.

" Anong ginagawa mo dito?" Irita kung tanong sa kaibigan saka tiningnan ito ng masama.

Imbes naman sumagot si lee ay lumapit ito sa kanya, sabay abot ng baso saka nilagyan ng alak bago naupo sa pang isahang sofa.

Tinanggap naman nya agad ang inaabot nito, sabay inum kahit hindi pa kumakain ng hapunan. Sanay naman syang uminum ng walang laman ang sikmura.

Nang mainum ang alak nilapag nya sa round table ang baso bago muli tumingin sa kaibigan na kampante na nakaupo sa sofa at sumandal pa habang may hawak na baso.

" Anong ginagawa mo sa bahay ko?" Maya maya ay tanong nya ulet sa kaibigan.

Nagkibit balikat naman ito, bago sumagot ." Wala akong magawa sa bahay, kaya naman pumunta ako dito. Akala ko kasi nandito ka. Wala pa pala." Tugon naman nito sa kanya.

" Bakit naman, anong merun?" Wika ko habang nagsasalin ng alak sa baso.

" Aayain sana kita mag bar ngayun." Walang ganang tugon ni Lee saka inisang lagok lang ang baso na may alak.

Napansin nya na parang may problema ang kaibigan, dahil napapatiim bagang pa ito.

" May problema ba dude?" Kapakuwan tanong ko kay lee, hindi nya ugali magtanong o mag himasok sa problema ng iba. Pero kaibigan nya ito, kaya naman may karapatan sya.

Nginisihan sya ni Lee." Anong problema? Wala akong problema dude, hindi uso saakin iyan." Aniya.

Marahan syang napailing sa sagot ni Lee, magkakaibigan nga sila kasi mahilig magtago ng nararamdaman. Pero si Chase noong wala pang asawa hindi rin ito nnagkukwento pero ng mag asawa na, lagi sila ang takbuhan nito kung paano susuyuin ang asawa na si cheska.

Hindi na lang sya kumibo at uminum na lang . Wala rin syang balak lumabas dahil napapagod na sya .

Maya maya ay nagtanong si lee sa kanya .

" Ikaw mukang badtrip ka ahh ? Narinig ko kasi kanina na ang lakas ng pagkakasara ng kotse mo ."

Nagkibit balikat Lang sya sabay inum ng alak mula sa baso. Wala syang balak mag kwento sa kaibigan about kay messy baka pagtawanan lang sya nito. Tingin pa naman nya parang close na ang dalawa .

CRUSH KITAWhere stories live. Discover now