CHAPTER NINE

484 14 0
                                    

Nilapag ni messy ang bulaklak sa puntod ng ama saka sinindihan ang mga kandilang binili nila sa labas bago sila pumasok dito at nagdasal ng maigsing panalangin .

Nang matapos manalangin umupo sila sa tabi ng puntod saka nilabas ang mga pagkain na binili kanina sitchirya at softdrink para mayroon silang kotkutin habang tumatambay sa puntod . Kahit mga one hour lang sila dito kasi panigurado matagal na naman sila makakadalaw sa ama . Baka magtampo na ito sa kanila dahil sa tagal nila bago dumalaw .

Wala kasi silang pera minsan naman wala silang pambiling bulaklak . Alangan pumunta sila walang bulaklak at kandila .

Nagkukwentuhan mga kasama nya at nag tetake ng picture pero sya kinakausap nya ang ama . Akala mo naman sasagutin sya .

" Kumusta kana Tay ?" Panimula nya habang naka-dequatro .

" Alam nyu po ba wala nako kay aling Preska ? Umalis na po ako doon . May bago na akong trabaho bilang kasambahay tay . kahit mahirap ok lang po kasi malaki ang sweldo ." Pagkukwento nya sa ama na may ngiti sa labi .

Marami pa syang sinabi sa ama ng may tumabi sa kanya . Pagbaling nya ang kanyang ina ang nakita nya .

Ngumiti sya dito ." Bakit po ?" Tanong ko kay nanay .

Umiling ang kanyang nanay . " Wala naman anak , sigurado ako na marami ka na naman binalita sa tatay mo ."

Napangiti sya ,Alam ng nanay nya na kapag dumadalaw sila kay tatay ang dami nyang kinikwento kay tatay .

" Opo nay , marami po ako binalita kay tatay kasi gusto ko kahit wala na sya alam nya parin nanyayare satin ." Nakangiti kung tugon kay nanay .

Hinawakan sya sa kamay ng nanay nya ." Masaya na ang tatay mo kung nasaan man sya ngayun messy ."

Tumango sya at malungkot na ngumiti ." Oo nga po , pero Sana nandito sya para magkakasama parin tayo ."

" Anak , Kung nandito lang tatay mo . Hindi ka magtatrabaho baka nga nag aaral kapa hanggang ngayun dahil gusto ng tatay nyu makapagtapos kayong magkakapatid ." Ani ni nanay na malungkot din ngumiti .

Oo nga pala kung nandito lang si tatay baka hindi sya maghirap ng ganito o ang pamilya nya dahil subrang sipag ng tatay at hindi nito hahayaan na mahirapan sila . Kahit nahihirapan ito basta kaya pa magtatrabaho para sa kanila at yun ang nakuha nya sa tatay nya . Gagawin nya lahat para sa pamilya .

Nagulat sila ng nanay nya ng may mag flash . Paglingon nila si Sammie kinukuhanan sila sumigaw pa ang Gaga .

" Say cheese ate at nay ."

Hindi kami kumilos ni nanay nanatili lang kami nakatingin kay sammie . Sumimangot naman ito .

" Ano ba naman nay at teh ? Smile po . Kukuhanan ko kayo ng picture ." Reklamo nito .

Marahas syang napailing at niyakap ang ina bago ngumiti at humarap sa camera . Ganun din ang kanyang ina niyakap sya ng mahigpit .

" 123 smile ." Click !

Matapos makuhanan ng picture lumapit samin si Sammie saka pinakita ang mga kuha nito sa kanila ng nanay nya .

Napangiti sya kasi ang ganda ng kuha nila kaya naman pinapasa nya sa kanya para merun syang memory ng nanay nya .

Maya maya lumapit na sa kanila ang kambal at niyakap sila .

" Aww .. so sweet naman , bes akina cellphone mo kuhanan ko kayo ." Narinig kung sabi ni Lou kaya naman binigay nya ang phone dito .

" Gusto ko marami besti para may baon ako pag uwe ko sa mansyon ." Utos ko kay Lou na may ngiti sa labi habang nakayakap sa kambal .

" Ok besti ." Anito at kinindatan pa sya .

CRUSH KITAWhere stories live. Discover now