CHAPTER SEVEN

493 15 3
                                    

After one month makakapag day off na
rin si messy excited na sya umuwe sa kanila at miss na miss na nya ang pamilya .

Ang tagal nya nagtiis na hindi makita at hindi nakausap ang pamilya kaya naman excited na sya makauwe . Naghahanda na sya para makaalis na mamaya binigay na rin kanina ni ma'am ang kanyang sweldo after nya maglinis .

Maaga sya nagising kanina para makalinis parin bago umalis at hindi sya masyado mahirapan pagbalik nya .

Wala syang bitbit na bag maliban sa cellphone saka charger at pwede naman sya mang Hiram ng damit kay sammie tutal mag ka size lang sila nito .

Nang matapos maligo at makapag bihis lumabas na sya ng silid saka nilock ang pinto .

Naglakad na sya patungo sa sala dahil nandoon ang mag asawa bago sya pumunta sa kwarto nya .

Hindi pumasok si boss chase ganito naman ito minsan siguro dahil sariling negosyo naman hawak nito at mayaman naman si boss.

Nagulat sya ng makita ang mga kaibigan ni boss chase kasama ng mga ito sa sala samantalang wala ito kanina sabagay magugulat pa ba sya lagi naman nandito ang mga ito kulang na nga lang dito tumira .

Kahit nagagalit na nga si boss chase parang wala lang pinagtatawanan lang ng dalawa maliban kay Miggy .

Hindi naiwasan napatingin sya kay Miggy busy ito makipag usap sa mga amo nya na may ngiti sa labi bihira lang ito ngumiti parang ginto . Isang araw din nya hindi makikita ito sapagkat mag deday off sya .

Ano naman kung hindi mo makikita ng isang araw si Miggy ? Boyfriend mo ba sya ? Diba galit ka sa kanya .?

Sabi ng isip nya , makikipagtalo sana sya sa isip ng marinig nya ang boses ni ma'am Cheska .

Napakurap kurap sya kapagkuwan napatingin sya sa mga ito nagulat sya ng makitang sa kanya nakatingin ang lahat parang may nagawa syang Mali nag blush tuloy sya .

" Ok ka lang ?" Rinig Kung tanong ni ma'am sakin .

Nahihiya syang tumango bakit ba kasi tinititigan nya pa si Miggy yan tuloy hindi sya mapakali .

" Excited lang siguro sya umuwe Mahal kasi isang buwan din nya hindi nakita ang pamilya nya saka pati boyfriend nya namimiss nya siguro ryt messy ?"

Naguguluhan man sa huling sinabi ni boss chase tumango na lang sya bilang pang Sang ayon .

" Kahit bukas kana ng gabi ikaw umuwe messy ." Sabi naman ni ma'am

" Opo ma'am."

Tumingin sya kay lee nakita nyang nginitian sya nito pati si Zion pero si Miggy seryuso na naman .

Maya maya nagpaalam na sya sa mga amo nya para hindi sya abutin ng traffic sa daan .

Nagtungo na sya sa pintuan ng bahay saka binuksan . Nang makalabas nakaramdam ng kaginhawaan dahil makakauwe na sya after one month kahit isang araw lang makakasama nya ang pamilya .

Naglakad na sya patungong gate ng village hindi pa sya nakakalayo sa bahay ng may bumusina sa kanya kaya naman napalingon sya nakita nya si lee nakababa kasi ang salamin nito sa passenger seat at hindi ito nag iisa kasama nito ang dalawa .

Nagtaka sya pano ito nakauwe agad sa bahay nito ? Nasa bahay ito ng amo nya kanina .

" Kotse to ni Chase ."

Napansin siguro nito na nagtataka sya .

Napatingin sya kay Miggy nasa back seat ito at si Zion ang driver . Naalala na naman nya ang nanyare noong nagkasagutan sila ni Miggy .

CRUSH KITAOnde histórias criam vida. Descubra agora