CHAPTER THREE

730 15 0
                                    

Maagang nagising si messy kaya naman bumangon na sya sa kama at nag unat unat muna bago pumasok sa banyo .

Naghubad sya ng saplot sa katawan bago pumailalim sa shower . Napasigaw sya sa subrang lamig ng tubig buti na lang nasa baba sya kung nagkataon nakakahiya sa mga amo nya sa lakas ng tili nya malamang magigising ang mga amo nya .

Mabilis syang natapos sa paliligo sapagkat nangangatog na sya sa lamig ng tubig ngunit nakakahiya naman kng mag iinit pa sya ng tubig para pangligo nya Lang .

Nang matapos sa paliligo kinuha nya ang towel na nakasabit sa pinto saka nya binalot sa katawan saka sya lumabas ng banyo pinatay nya ang electricfan .

Kumuha sya ng damit sa kabinet at mabilis na nagbihis kapagkuwan nagsuklay naman sya ng buhok  at hinayaan na nakalugay ang maigsing buhok para matuyo agad . Hindi sya nagpapahaba ng buhok sapagkat mainit saka sagabal kapag may ginagawa sya .

Niligpit nya ang kanyang higaan bago lumabas ng quarters saka naglakad patungong kusina at ng makapag almusal bago maglinis ng bahay .

Nang makarating sa kusina lumapit sya sa heater para mag init ng tubig saka sya kumuha ng tasa at nagtungo sa counter kapagkuwan nilagyan nya ng kape ang tasa . Kumukulo na ang heater kaya naman lumapit sya doon at nilagyan ng mainit na tubig ang kanyang tasa .

Bumalik sya sa counter para makapag simula ng mag almusal .

Kumain na si messy ng almusal maya maya nakaramdam sya ng kalungkutan sapagkat sya lang mag isa na nasa kusina at tahimik pa kaya naman kinuha nya ang kanyang cellphone sa bulsa saka nag soundtrip . Ito ang ayaw nya yung nakakaramdam sya ng lungkot kaya ayaw na ayaw nya maging katulong . Kung merun lang sana syang kasama baka hindi na siguro sya makakaramdam ng ganito pero dahil sa pamilya magtitiis sya para may maipadala syang pera sa kanyang nanay nya .

Habang nakain naiisip nya ang pamilya kamusta na kaya sila ? Ok lang Kaya sila ? Hindi nya masyado nakakausap ang mga ito sapagkat bihira lang tumawag si Lou o mag text kaya naman ilang linggo na ito hindi nagpaparamdam sa kanya busy ang babae na yun tapos nagka-boyfriend pa ang bruha .

Puntahan Kona lang si ate Lele mamaya . Sabi nya sa sarili .

Matapos mag almusal tumayo na sya sa stool saka hinugasan mga ginamit nya sa lababo .

Nilinis na nya ng tuluyan ang kusina dahil gusto ni ma'am Cheska laging malinis ang kusina pati na komedor kapag nagluluto ito ayaw nito ng makalat at magulo .

Makalipas ang ilang sandali natapos na nya ang paglilinis sa kusina sinunod nya ang komedor . Bago lumabas dinala nya ang mga gagamitin sa panglilinis sa taas at dahil dala nya ang vacuum sa elevator sya dadaan .

Nang makasakay pinindot nya ang button up para makarating sya sa secend floor .

Hindi Rin nagtagal bumukas na ang pinto ng elevator una nya nilabas vacuum hinarang nya ang sarili para hindi sumara ang pinto . Nang mailabas na nya lahat ng gamit umalis na sya sa pinto ng elevator .

Sumalubong sa kanya ang malawak na  pangalwang palapag nandito na kasi lahat like guest room mini basket ball , billiard , gym mini bar at sa third floor naman ang kwarto ng mga amo nya saka nandun na rin ang opisina ni boss chase kaya naman malaya syang nakakapag linis sa pangalawang palapag at maaga sya natatapos .

Noong unang linis nya dito nagulat sya kasi sa secend floor ng bahay merung basketball ? Diba ang lupet ? Hindi nya akalain na may basketball sa taas , ang mayaman nga naman .

CRUSH KITAWhere stories live. Discover now