OUR ENDLESS HAPPY ENDING

Start from the beginning
                                    

"K..Kakain ba tayo o tatambay nalang tayo dito?" Tanong ni Elyzza. Kaya bigla naman tumikhim si Levi.

"Sorry mga tulig pa ata itong mga kasama ko. Hoy halina kayo" sabi ni Levi kaya natawa nalang kami.

Naglakad na kami papunta sa buffet nila dito sa maldives.

"There acting strange earlier? Mesmerized by our looks maybe?" Bulong sakin ni Ate Delaney kaya natawa ako.

"Maybe, pero aminin mo rin sakin Ate... ang gwapo ngayon ni Lincoln?" Sagot ko kaya medyo natawa din siya.

"Since I met him gwapo na siya sa paningin ko, nadagdagan nga lang ang kagwapuhan niya ngayon" aniya.

Nakarating na kami sa buffet restaurant kaya agad na kami nag si pwesto kung saan kakain. Nang makakuha na kami ng table ay pumila na kami para kumuha ng pagkain.

Base sa itsura ng mga pagkain ay mukhang five star chef ang nagluto nito. Mukhang wala ring gantong ka sosyal na pagkain sa pinas... o sadyang hindi lang talaga namin afford kumain ng mga ganto duon?

Agad naman kami nakakuha ng pagkain kaya bumalik na kami sa table namin at sinumulan ng lantakan ang pagkain. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang hindi mailang sa pagkain ko, nakaharap kasi sa table namin ang lamesa nila Dylan at ramdam na ramdam ko ang tensyon ng pag sulyap at titig niya sakin. Chua naman hanggang kelan ako paulit ulit na matutunaw sa mga titig mo?

Hindi ko nalang ito muli pinansin at tinuon ko ng pansin ang pagkain ko.

Pagtapos naming kumain ay napag desisyonan naming pumunta sa tabing dagat kung saan may malaking black screen na may pinapalabas na iba't ibang pelikula. Nakahanap kami ng magandang pwesto kung saan mapapanood namin sa magandang anggulo ang pelikula. Dalawang pwesto ang kinuha namin, bukod ang BX5 at RV5 at katabing pwesto lang namin sila. 

Umorder ulit kami ng inumin at pagkain kahit kakain lang namin, masarap daw manuod habang may kinakain. Sila Levi at Elyzza at bumalik muna sa kwarto para painumin ng gatas si baby Everly.

Mukhang romance ang pinapalabas ngayon sa black screen kaya parang naiilang tuloy kami panuorin.

Juice at iba't ibang chips lang ang inorder namin ang boys naman ay sari sari at alak ang inumin nila.

"Hazelle, mukhang kanina ka pa sinusulyapan ni Dylan ah? Miss ka na rin siguro tabihan mo kaya?" Sabi sakin ni Ate Delaney.

"A..Ayoko nga. Ikaw kanina ka parin sinusulyapan ni Lincoln bat hindi mo rin kaya lapitan?" Balik kong sagot.

"Sa tamang oras na siguro, gusto ko makakapag usap kami ng maayos ng kaming dalawa lang" sagot niya.

"Pero sa bawat araw na lumilipas na nanduon ako sa bayan na yun, wala akong ibang iniisip kung hindi ang kaligtasan mo at kalagayan niya. Gustong gusto ko na bumalik sa inyo, sakanya pero hindi ko magawa. Halos nawalan na ko ng pag asa na makakabalik pa ko dito, pero sa muling pagkakataon... niligtas niya ulit ako" dagdag niya.

"Buong akala namin nuon ay wala nang pag asa na buhay ka pa. Pero natulungan ka ng Diyos na mabuhay muli at makabalik saming mga taong minamahal mo at minamahal ka. Binigyan kayo muli ng pagkakataon para mas mahalin niyo ang isa't isa ni Lincoln, you both deserve to love each other endlessly" sagot ko kaya napangiti kami pareho at hinawakan ang kamay ng isa't isa.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now