Timing ay tinanong na ng host ang panghuling question, pero 'di niya iyon napansin dahil nakapukos ang atensyon niya sa pag-alis ng ama.

     "Daddy..." Naiiyak na siya.

     Nawala ang confidence niyang magpatuloy sa contest.

     "And now we have a winner!" natauhan siya nang inanunsyo iyon ng host.

     Namalayan niyang naghiyawan at nagsi-palakpakan na pala ang madla dahil nakuha na pala ng batang si Jhared ang tamang sagot.

     Naisabit na sa leeg ni Jhared ang napanalunang medallion, he looked at Kisha with worries dahil parang naguguluhan ito.

     Kahit pa alam naman niyang ayaw nito sa kanya ay gusto pa rin niyang makipagkaibigan rito.

     Nilapitan niya ang batang babae na nakaupo lang sa pwesto nito at wala pa rin sa sarili.

      He offered his hand para makipag-shake, this time ay napansin na siya ni Kisha. Sa halip na makipag-shake hands ang batang babae ay sinungitan siya nito at sinabing "I wish I'll not see you ulit!" tsaka ito pamaktol na pumunta sa back stage.

     Napahawak si Jhared sa napanalunang medallion at malungkot na ngumiti. Ibibigay n'ya sana ito sa batang babae bilang remembrance bago pa sila tuluyang aalis.

***

     Wala sa mood at nakahalukipkip na pumasok si Kisha sa room nila. Until now her day was ruined by the transfer of her childhood rival Jhared.

     When she stepped inside their classroom door ay napasimangot siya nang nakita si Jhared na tahimik lang na nakacellphone habang may suot na earphones.

     Sandali siyang napatitig sa binata at napaismid, "Mukhang sira na naman ang day ko nito."

     Afterwards ay napatingin na rin si Jhared sa kanya at agad rin bumaling sa cellphone.

     Ang kaklase naman nilang si Shami ay nakatingin lang sa kanilang dalawa, thinking like there's something going on between the two tsaka ito nagbasa na ng libro.

     Ilang saglit lang ay nag-ring na ang bell at nagsimula na ang klase.

***

     Kanina pa tapos ang klase. Lunchtime na't nakahalukipkip lang si Kisha habang nakasandal sa upuan niya.

     Kanina kasi sa quiz nila ay tatlo silang nakakuha ng perfect score, siya, si Shami at Jhared. She's bothered na baka next time ay mas mataas pa ang kuha ng dalawa. Ayan tuloy nawalan siya ng mood.

     "Tsk. Mga bwesit," inis niyang sabi.

     "Hey, wuzzup?" wala sa mood niyang tinignan ang kaklase niyang si Harvey na feeling close tumabi sa kanya.

     Harvey's good-looking, isa ring campus crush ng school nila, kasama rin sa top 20 overall, at isa sa mga nagkakandarapang suitors niya -noon. Pero 'di niya ito bet. First of all, study first siya. Now, Harvey and her remained close good friends.

     She just glared at him. Makulit kasi ito kaya medyo nakakairita.

     "Whoaah, may period ka ata," back off nito.

     "Psh. Tumigil ka nga diyan, tapos na period ko noh." inis niyang sabi at inirapan.

     Kung ba't pa ba kasi may lakad pa 'tong si Hannah, eh 'di sana kahit papaaano ay may matino siyang kakwentuhan. Hindi rin sana siya mag-iisa ngayon sa room.

Unfamiliar Feeling Called, Love?Where stories live. Discover now