Chapter 24

1.5K 28 6
                                    

Chapter 24

BIANCA'S POV

Naglalakad kami ngayon papuntang sa kabilang campus (sa room, specifically). Kakatapos lang ng devotion eh. And I feel blessed.

And as usual, marami nanamang nagbubulung-bulungan. Kung nagagandahan sila sa'akin, wag sila masyadong halata.

"Over naman ang makasira sayo Bianca, akala mo alam nila ang totoong ugali ni Kristine no? Tsk'tsk!" pailing-iling na sabi ni Ann.

"wala akong pake kung siraan nila ako. Kawawa naman sila kasi kahit anong sira nila sakin. BUO pa rin ako. At ang mas mahalaga pa eh hindi ako gawang plastik inemphasize ko talaga ang salitang plastic kasi nasa likod lang naming sila. Pero kahit hindi ko lakasan boses ko ay maririnig pa rin nila dahil syempre, dun sila magaling eh.

"may sinasabi ka ba?" biglang epal ni Hershey. Tumalikod muna ako para tignan kung saakin nga ang tanong na iyon.

See? Rinig na rinig diba?

"As far as I know, kami KAMI lang ang magkakausap. So wala kang pake kung may sinasabi ako." Pagtataray ko.

"backstabber." Nakataas pa ang kilay ni Hershey. Ang bakla mo Hershey, tsk. "Mag-iingat ka baka natatamaan si Kristine." Sabi ni Mary.

"Sinusubukan mo talaga ako no?" sabi ni Kristine.

"Slut." Sunod na sabi ni Kristine. Akalain mo nga naman na ipapasa pa sakin ni Kristine ugali nya. Nakakapang-init ulo nga naman.

"Kung ako slut, ano ka? Whore? Psh." Napairap ako dahil sa inis ko sa'kanila.

"Tama na nga yan, psh. Masstress kalang sa ganyan." Sabi sakin ni Mary.

Tumalikod na kami at nagsimula ng maglakad pero hindi pa kami nakakalayo dun nang may narinig kaming hikbi mula sa likod namin.

"Earl oh." Parang bata si Kristine. Eh? Hindi nalang naming sya pinansin.

"tara na nga." Suggest ni Jane.

Pero nagulat ako dahil sa nasa harap ko na sya ngayon.

"Bianca, kung makikipag-away ka na naman kay Kristine. Ako na ang nagsasabi sayo na WAG na WAG mo siyang sasaktan baka kapag sinaktan mo siya, kakalimutan ko talagang babae ka."

Feeling ko milyong karayom—ay hindi pala. Feeling ko milyong injection ang tumama sa puso ko. Injection na nga siya may gamot pa siyang pampasakit lalo ng puso. Nanggigilid luha ko. Ang sakit pala na kinampihan niya ang malanding iyon kesa sakin. Ang sakit sakit. Ang sakit ng binitawan niyang salita pero mas masakit na nanggaling pa sakanya. Doble kill.

Hindi naman ako makasagot dahil biglang umurong dila ko.

"panyo oh." Inabot sakin ni Mae ang panyo niya. kinuha ko naman ito at pinunas sa luha ko na biglaang tumulo. Hindi na siguro sila makapag-antay na lumabas.

Wala akong pake kung may makakita man saakin, nasasaktan ako! Mas nasaktan pa ako nang si Kristine kaya nyang ipagtanggol pero ako hindi. Sabagay, sino ba naman ako diba?

Pagkatapos kong magpunas ng luha. Masyadong mapaglaro ang panahon. Biglang bumugso ang malakas na ulan. Buti pa 'tong si Ulan, nakikiramay.

Nakikiramay sa kalungkutan ko ngayon.

Nakita ko nalang na nagsitakbo ang magagaling kong kaibigan. Anobanaman yan! Broken hearted na nga tapos iiwan pa ako ng kaibigan ko ng walang pasabi? Triple kill!

My Secret BrotherOn viuen les histories. Descobreix ara