Chapter 20

1.4K 33 14
                                    

Chapter 20

KIEL'S POV

Nandito kami ngayon sa labas ng gate ng mansyon nila Earl. Pero syempre nasa loob kami ng kotse, kaming dalawa ni Vince, nag-aantay kay Bianca. Ang tagal naman kasi ng babaeng 'yun eh. Saan ba galing 'yun? Napakagalang bata! Nahawa na ata kay Marissa tapos mababalitaan namin na nakagat siya ng aso? Tsk'tsk. Masyado nang nagiging wild imagination 'ko.

"ang tagal naman ng babaeng 'yun! Inaantay na ako ng girlfriend 'ko eh!" singhal 'ko. Ayoko pa naman pinag-iintay 'yun. Psh.

"pre, ang mga babae talaga, matagal 'yang mga 'yan noh. Di ka na nasanay!" sabi ni Vince sa'kin. Ano bang kinain ne'to? Bakit nagiging patawa siya? Noon, hindi siya ganyan ha. Epekto ba ni ann 'yan? Drugs niya ata si Ann eh. Iba talaga kapag nagmahal.

Medyo malayo kami sa gate nila Earl. Hindi kami naghahalata. Dapat hindi masira plano namin. Aba jusko, 24 hours namin 'tong inisip noh! Joke lang. 1 hour lang. Naniwala naman kayo na 24 hours? Grabe naman kayo.

May taxi na huminto sa mansyon nila Earl kaya napaayos kami ni Vince ng upo at tumingin dun. At hindi kami nagkamali na si Bianca nga 'yun. Pero sa kabilang side siya bumaba kaya kailangan niya pang tumawid. Lumabas na siya at nagwave ng hands dun. Teka? Sino ba kasama niya? Naku, kapag nalaman 'to ni Earl.

Pero mukhang hindi siya lagot kasi mahimbing na natutulog si Earl!

"bye Drei!" sunod na lumabas ay si... sir andy ba 'yun? O__O Bakit sila magkasama?

"diba si sir andy 'yun?" tumango ako sa tanong ni Vince. Parehas kaming natulala.

"Shunga ka ata kiel eh, diba nga crush ni bianca si sir andy? Nagkaamnesia ka ba? Baka siguro sineduce ni Bianca kaya ayun magkasama sila." CRUSH NI BIANCA SI SIR??

"weh?" –ako. Hindi ako makapaniwala. Pati ba naman teacher. Pero marami rin kasi nagkakagusto kay Sir Andy at isa si Bianca pala dun.

Nakita namin na patawid na si Bianca sa may side namin habang nagtetext. Nagtetext pa talaga ha.

Habang naglalakad si Bianca, napalingon kami sa parating na sasakyan kaya agad kaming bumaba ni Vince sa sasakyan. Mabilis na sasakyan 'yun. Pero nung pagbaba namin ay biglang dumaan na ang sasakyan.

Hala! Si Bianca.

"bianca!" sigaw namin ni vince sa'kanya pero nung dumaan ang sasakyan napatingin kami sa kabilang side.

Akala 'ko na mamamatay na si Bianca! "ayos ka lang?" tanong 'ko.

"sira ka ba? Kita mong muntikan na masagasaan eh, tapos tatanungin mo pa ng ganyan? Nang-iinsulto ka ba?" –Vince. Epal tong si Vince eh, bakit ba? Atleast ako may concern ako sa'kanya. At tinanong kung okay lang ba talaga sya.

Tumingin ako sa sasakyan na 'yun at huminto 'to, tiningnan 'ko ang plate number ne'to. Teka lang, parang familiar 'yung sasakyan na 'yan. Di kaya? Ay hindi. Baka naman nakita 'ko sa nlex 'yan? Basta parang nakita koi to somewhere down the road.

"HOY! BUMALIK KA DITO!" Sigaw 'ko sa sasakyan. Hindi man lang chineck 'kung ayos lang ba si Bianca.Isusumbong ko talaga sya kay Fafa earl.

"ouch." Tiningnan 'ko ulit si Bianca na inaalayan ni Sir tumayo. Buti nalang at nakuha siya ni Sir baka kapag hindi. Nabangga na si Bianca.

"Tara na muna sa loob, gamutin natin 'yan." Sabi ni Sir at dumiretso sa loob ng mansyon. May sugat kasi si Bianca sa siko niya. Medyo malaki 'yun at nagdudugo. Buti nalang talaga at 'yun lang kung nabangga talaga sya punto por punto ay kakasuhan ko talaga yun.

My Secret BrotherWhere stories live. Discover now