Chapter 52

800 25 2
                                    


"Jane, pwede bang sabihin mo sakin ang lahat?" sabi ni Bianca at hinawakan nya ng dalawang kamay nya ang kamay ni Jane.

"A-anong lahat?" Pagtataka ni Jane sa sinasabi ni Bianca. tumingin muna si Bianca sa paligid kung may iba ba na pwedeng makarinig sakanila.

Nang makita naman nya na wala ay dun na nya nasimulang ituloy ang sasabihin nya. "Lahat ng nalalaman 'mo. Gulong-gulo na'ko e! Di ko alam bakit sinabi nyo yun sakin. Ano bang nangyari? Please."

Nakikita ni jane sa mga mata ni Bianca na sincere at mukhang totoo ngang naguguluhan ito sa mga pangyayari.

Napabuntong-hininga si Jane at tumingin ng diretso sa mga mata ni Bianca.

"I'll try..." yan lang ang tanging nasabi ni Jane at akmang tatayo na kaso pinigilan sya ni Bianca.

"Ibig sabihin, nagsinungaling kayo sakin?"

--
ANN'S POV

Yung uhog ko tumutulo.. Kinapkap ko yung short ko kung may nadala ba akong panyo pero sa kasamaang palad ay wala akong dala.

Kaya gamit ang palad 'ko ipinunas ko yung luha'ko galing sa mata. Alangan namang galing sa bibig ko 'yung luha 'no?

Napatingin ako sa kamay na ibinibigay yung panyo sakin kaya napatunghay ako at nakita ko si Thai na nakangiti sakin.

"Thai?"

"Panyo oh. Namumugto na'yang mata mo." Sabi nya at umupo sa tabi 'ko. Nakaupo kasi ako sa sand habang nakatingin sa dagat.

Nagalinlangan pa ako kung tatanggapin ko ba ito. Pero in the end, ginamit 'ko rin ito.

"Ann..." panimula ni Thai habang nakatingin sa dagat.

"Alam 'ko nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon. Nasasaktan ka pa rin kay Vince, am I right? Dahil sakin. Dahil sa kagagawan'ko." Sabi ni Thai. Ioopen na namin yung kay Vince? Again. Sawang-sawa na'ko.

Sawang-sawa na ko umiyak sakanya. Sawang-sawa na ako pakinggan yung pangalan nya. Sawang-sawa na'ko iopen up about samin. Sana nga paggising ko, nakalimutan ko na ang lahat! Ayoko na. Pagod na'ko!

"Sorry thai, tama na." Sabi ko. Nagulat na'lamang ako na hinagod ni Thai ang likod at parang sinasabi na "everything will be alright.."

"alam'ko Ann ayaw mo tong marinig. But for the last time, pwede bang pakinggan mo rin ang side 'ko? At side nya?" Tanong ni Thai sakin. Is this the last time? Do I ever need to hear their side? Di ba sapat yung nakita ko at nasabi ni Vince sakin.

Ann, sorry.. Minahal'kita pero si Thai na mas mahal ko.

Diba bestfriend mo lang sya?! Diba? Wag ka naman ganito vince!

Pero hindi lang....hindi lang bestfriend tingin ko sakanya...

Yan! Yan yung conversation naming dalawa! Ang sakit diba? Yung sabihin sayo harap-harapan na mahal nya yun at ikaw ang minahal LANG.

Hindi pa ba sapat yung binigay ko? Nagpakatanga ako. Hindi pa ba? Ano pa ba kulang?

Ang sakit lang talaga na ang saya nyo kahapon tapos wala na kayo kinabukasan? Parang magboyfriend-girlfriend kayo ngayon tapos ex mo na pala bukas.

Last time. And after that. I will cut all the connections. Lahat as in lahat tungkol sakanya. Wala na. Ayoko na.

"Okay." Sabi'ko. Huminga ng malalim si Thai at parehas kaming nakatingin sa dalampasigan.

My Secret BrotherWhere stories live. Discover now