Prolouge

8 0 0
                                    

"Hawak mo na naman ang gitara mo." Umupo si mama sa tabi ko. Instead of replying her, I just smiled. Ipinagpatuloy ko lang ang pag strum ng gitara ko. It is an acoustic guitar. Isang buwan palang sakin ang gitara ko at magmula nang ibinigay 'to sakin ni mama ay halos hindi na kami mapaghiwalay. Palagi ko itong hawak, except kung matutulog, maliligo, at kumakain. Hindi ko pa kabisado ang mga chords kaya ganito nalang ako kung umasta. I badly wanted to have a band. That is my dream. Matagal ko ng pinangarap ang nagkaroon ng sariling banda. Sa edad kong ito, mataas na agad ang pangarap ko.

Kung tutuusin, pwede naman akong mag-aral sa music class para mas madaling matuto kaso gusto kong mag-self study lang para di magastos.

"Dadating si Tito Ricky mo sa Friday." Tumigil ako sa pag-strum ng gitara ko at tumingin sa kanya. Bakas ang tuwa sa mga mata nya. Upon hearing his name, ang kaninang pagod kong mga kamay ay animo'y biglang nabuhayan.

"Talaga?" Medyo paos kong tugon pero bakas ang tuwa at pagkasabik. Hindi lang kasi sa paggigitara ako nakatoon kundi pati na rin sa pagkanta. Kaya ako napaos kasi mahilig ako sa matatamis na pagkain at malalamig na inumin.

Friday, that is the day before my 11th birthday. Dadating sa Friday si Tito Ricky galing Japan, he is working there as music director in an entertainment company. He is my Mother's younger brother obviously, wala pa syang asawa kaya sya na ang tumatayo kong ama sa loob ng 11 na taon. Single mom lang si mama kasi yung tatay kong intsik ay iniwan sya kasi di siya mabigyan ng anak na lalaki. Well, Chinese will always be Chinese, di mawawala sa tradisyon nila yun. Si Tito maman, wala daw syang balak na mag-asawa but It's not late pa naman because he is still 25.

Ngumisi sakin si mama at pinisil ang magkabilang pisngi ko. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Tito Ricky can teach you playing and mastering your guitar. Mas mapadali ang pagkatuto mo kung may magtuturo sayo. Payag ka ba na turuan ka nya? I-consider mo nalang din yun as his birthday gift for you." Mas lumawak ang ngiti ko upon hearing those words from my mother.

"Ofcourse ma!" Masayang pagsang-ayon ko at niyakap sya.

Months and years passes by and I mastered all the guitar chords and I learnt many techniques in playing guitars. Di naman ako gaanong mahirap turuan dahil fast learner daw ako, papuri sakin ng Tito Ricky ko. Sa loob ng halos 3 taong pagsasanay ay marmai talaga ako ng natutunang aral hindi lang sa pagdevelop ng talent ko but pati na rin sa mga magagandang asal at pakikitungo sa mga taong nakapalibot sakin. My Mother and Tito raised me very well and I thanked them for that.

Merong mga pinakilala sakin si Tito ko na interested din sa pagbabanda at doon na nagsimula ang pagbuo ng bandang "The Moon and The Stars". Si Tito na rin ang naging handler/manager namin. We consists of 5 members. There are three boys and two girls.

Rocco Daniel Banlos, 15, as the frontman. He can also play piano very well.
Arkin Basil Mantocan, 14, as the drummer.
Aero Bran Mantocan, 14, as the bass guitarist.
Arlen Brianne Mantocan, 14 as the rythm guitarist.
Kaira Cosimia Xing, 14 as the lead guitarist and back-up vocals.

Ang tatlong Mantocan obviously ay magkakapatid, and they are triplets. Noong una ko silang nakilala ay nalilito ako kung sino si Bran at Basil pero kalauna'y nalaman ko din ang pagkakaiba nila sa ugali at itsura. Si Bran ay may maliit na nunal sa tip ng kanyang ilong while si Basil ay walang kahit isang nunal sa mukha. Pareho silang mabait at maaasahan pero maypagka clumsy si Bran at may pagkasiga si Basil. Si Brianne naman, ang tumatayong ate nila kasi nga 1 minute daw ang tanda niya sa dalawa.

Rocco, lamang sya ng isang taon samin pero nasa parehong baitang lang kami. Kaya sya ang frontman namin dahil napakaganda ng boses nya, ang quality ng voice, the way he pronounce every single words ay napaka clear mapa ingles man o tagalog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Nonsense Story So FarWhere stories live. Discover now