Chapter 51

2.1K 48 0
                                    




"hoy jhoana louisse! punta tayo uptown ngayon" pag-aaya ni gizelle sakin. Katatapos lang ng klase ko.

"out bes, may tatapusin pa kong project namin" sabi ko sakanya

tumango naman siya, bigla niyang tinawag si rex mula sa likod ko. Inaya niya din iyon at sumama naman si rex. Naglalakad na ako pabalik ng dorm.


Paakyat na ako ng dorm nang makasalubong ko si deanna na nagmamadali. "oh san ka pupunta deans?"

"klase, late na ako e bye ate jhooo" sigaw niya habang tumatakbo. Umakyat na ako sa room namin. Wala pa pala sila maddie at ponggay, buti nalang pala nagdala ako ng susi ng kwarto.

Inayos ko agad yung laptop ko para makapagsimula na sa project namin. Ako kasi naka toka yung tatlong research eh. Habang gumagawa ako ng research ko tumunog yung phone ko. Nagtext si bea.


from: bea

jhow, where are you?

nireplyan ko naman agad si bea.

to: bea

dito sa dorm why? miss mo nanaman ako

nireplyan niya. Sinabi niya na pupunta daw siya dito sa room namin kaya hindi ko na siya nireplyan, hinintay ko nalang siya na pumunta dito.

"busy ka pala, tulungan kita gusto mo?" sabi niya at umupo sa bed ko.

"hindi na, kaya ko na to" sabi ko naman

humiga siya sa bed ko at nag cellphone. Tinitignan ko siya, panay scroll scroll lang naman siya. habang gumagawa ako ng research ko, lumabas si bea ng kwarto ko.

"wait lang ha" sabi niya tumango nalang ako

pagbalik niya may dala-dala siyang plastik ng mcdo. Nagpadeliver pala to hindi man lang nagsasabi. Nilapag niya iyon sa tabi ko. Nilagay niya sa tabi ko yung isang iced coffee, isang bff fries at oreo mcflurry. Umorder din daw siya ng double quarter pounder with cheese para saming dalawa.

Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagugutom eh pero nung nakita ko tong mga pagkain sa harapan ko bigla akong nakarandam ng gutom.

"stop ka muna dyan, kain muna tayo" sabi niya sakin. Tumigil muna ako sa pag-gagawa ng research ko at sinabayan si bea na kumain. Nag-aya pa siyang manuod daw kami ng movie habang kumakain. Sandali siyang pumunta sa room nila at kinuha yung laptop niya doon daw kami manunuod sa laptop niya.

sumandal kami parehas sa head board at nilagay niya sa gitna namin yung laptop niya. Pinlay niya yung the hows of us, movie ng kathniel. Actually napanuod naman na namin to, maganda kasi yung movie kaya hindi nakakasawa ulit-ulitin.

"jho, namimiss ka na daw ni mom" biglang sabi ni bea habang nanunuod kami, napalingon naman ako sakanya

"ako din namimiss ko na si tita det, saka yung pagb-bake namin lagi ni tita pag nandon ako sainyo" nakita ko namang nag pout si bea, hay bea stop doing that or else.

"si mom lang talaga namiss mo no?" sabi niya na parang nagpapa-awa effect hahaha cutiee bea

"ofcourse pati" sabi ko at nakita ko naman siya na pangiti na "si tito elmer and kuya loel" natatawang sabi ko.

Til i met youWhere stories live. Discover now