Chapter 44

2.1K 39 7
                                    


Jia's POV

it's been a year nung umalis si bea. Madalang na din kami mag-usap dahil busy siya saka mahirap din kasi magkaiba yung oras dito at oras doon sakanila. Pero hanggang ngayon, hindi pa din nakakausap ni jho si bea. Ayaw kasi ipaalam ni bea kay jho na nakakausap namin siya. Nalaman na din ni bea na hindi naman talaga boyfriend ni jho si marci na hindi totoo na naging mag-on si jho at marci.

Andito kami ngayon sa BEG may meeting daw kasi sabi ni coach. Nagpplano sila na magpunta sa california. Yun naman talaga madalas na pinupuntahan namin na country at tiga doon din kasi si jamie.

"Besh! Saang bansa ba si bea?" Tanong ni ate ella kay ate ly

"California ata" sagot ni ate ly, natingin naman si ate ella kay jho

after ng isang oras na meeting nakapagdecide din sila at yup, pupunta nga kaming california this weekend na ata. Pagkadating ko sa room ko tinawagan ko agad si bea para sabihan siya na pupunta ang buong team sa california.

naka tatlong missed call ako sakanya.. mukang busy ata. Nag message nalang ako sakanya, for sure naman mababasa niya yon.


Jho's pov

"OMG JHO!! mukang makikita mo na ulit yung bebe mo! Chance mo na yon para itama yung pagkakamali mooooo" sabi ni ate ella pagkapasok namin ng room

naeexcite ako na kinakabahan. Makikipagkita kaya sakin si bea? Makakausap ko na kaya siya? haaay :( miss na miss ko na si bea.. sana sa 5 days namin sa california makausap or makita mo man lang siya..

Nagimpake na agad kami nila ate ella ng gamit. Sa saturday na kasi ang alis namin at for sure after netong araw na to wala na kaming time para makapag ayos pa ng gamit. Sobrang miss na ng buong team si bea :( sana bumalik na siya..

"makikipag kita kaya satin si bea?" tanong ni ate ells habang nag aayos siya ng gamit niya

"feeling ko hindi e, lalo na sakin.. pero sana, sana talaga. Kahit makita ko lang siya ganon okay na ko" sabi ko

habang nag tutupi ako ng damit may nakita akong ateneo shirt na "de leon" yung apelido sa likod. Eto yung binigay sakin ni manang na damit nung dun ako natulog kela bea dahil sa kalasingan ko. Hindi ko pala nasoli sakanya to

haaay mas lalo ko tuloy namiss si bea.. 🥺


> fast forwaaaaard <

Andito na kami sa airport, hinihintay nalang namin yung airplane. Medyo maaga kasi kami nakarating dito sa airport, ewan ko ba excited ang lahat eh. Narinig ko kay ate ly sinabi niya kay ate den may chance daw na makumpleto kaming team doon sa california. Mukang makikipagkita samin si bea hmm omg naeexcite na tuloy ako!!

Bumili kami ni ate ella ng donut sa krispy kreme, wala eh ginutom kami parehas eh. Kasabay naming bumili sila jia at maddie. Umupo kami apat habang kumakain at hinihintay yung coffee na inorder namin

"excited na ko makita si beibei!" Sabi ni maddie. Napatingin naman sakin si jia

"makikipag-kita daw ba siya satin don?" Tanong naman ni ate ella

"oo ata, pag hindi siguro busy yon" sabi ni jia

alam ko naman na nakakausap niya si bea e, hindi ko nga alam kung bakit sinisikreto pa nila ni maddie. Nahuli ko sila nung nasa pico de loro kami, nagsswimming kasi kami non tapos syempre yung phone namin nasa table lang tapos ayon nakita ko nag riring phone ni jia at si bea yung tumatawag.

Til i met youWhere stories live. Discover now