chapter 46

2.1K 47 5
                                    


this is it!! ngayon na namin malalaman kung sino yung mga bago naming teammates! yehey!! naeexcite na kinakabahan na ko. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Kakagaling ko lang sa tatlong subject, dumiretso na ko dito sa eliazo para makapag pahinga na para sa afternoon training namin.

wala dito mga roommates ko, siguro nasa klase pa sila or nasa galaan yung mga yon. Habang nakahiga ako at nag cecellphone may kumatok sa room ko hinayaan ko lang kase baka sila maddie lang pero

"HELLO BITCH!" sabi ng isang maliit na babae. Pumunta siya sa bed ko at dinaganan ako

"urgh ate ella ano ginagawa mo dito?" sabi ko habang tinutulak ko siya para mahulog siya sa bed ko

"wala lang, kasama ko si den lam mo naman. Manunuod ulit kami training niyo. Saka nabalitaan din kasi namin na may bago kayong teammate so ayon makikichika lang kami" sabi ni ate ells

humiga si ate ells sa dati niyang higaan tapos ang dami pa din niyang chika. Jusq sabi ko magpapahinga ako, paano ako makakapagpahinga neto, daming chika ng kasama ko

"te ells gisingin mo nalang ako ng mga 4:30 iidlip muna ako" sabi ko at umoo naman si ate ells


4:40pm

"Tignan mo tong pandak na to, nagpapagising ako ng 4:30 tapos ano oras natulog din pala siya" sabi ko sa sarili ko. Haynako talaga ella de jesus 🤦🏻‍♀️

nagpalit na agad ako ng pang training ko dahil malelate na ako sa training. Nakakahiya naman sa bago naming teammate. Ginising ko na si ate ells. Inabot pa ata ako ng 5mins bago ko magising si ate ells. Chineck ko phone ko

"hala ka ate ells late na ko!!" sabi ko

tumakbo na kami ni ate ells papunta sa BEG. Jusq malayo-layo pa tong tatakbuhin namin ni ate ells. Wala din palang dalang sasakyan si ate ells grr hay nako talaga

pagkapasok namin ni ate ells sa beg hinihingal kami parehas. Naabutan na namin na nag start na mag warm-up teammates ko. Nakita kong nakatingin sakin si coach tai. Nako po lagot na ako. Pag talaga kasama ko tong si ella napapahamak ako lagi.

"goodluck jhow" pang aasar ni ate ella saken. Inirapan ko lang siya

nagsorry agad ako kay coach pagkalapit ko sakanya. Pinagpush-ups na ako ni coach pero hinihingal pa din ako dahil sa tinakbo nga namin ni ate ells.

"30 push-ups!" sigaw ni coach tai

pu-pwesto na dapat ako para makapag push-ups na ng biglang may humawak sa braso ko.

"ako nalang gagawa coach" sabi niya

napatingin ako kung sino yung nagsalita. Pag tingin ko...



b-bea?







b-bakit andito si b-bea?










hindi ko alam sasabihin ko, natulala nalang ako sakanya. Nakatingin pa din ako sakanya habang ginagawa niya yung push-ups na dapat ako yung gumagawa.

natapos na siya sa pag push-ups niya, puro pawis na siya. Shet ano gagawin ko? Tumingin siya sakin pero umiwas din agad siya ng tingin. Kinuha niya yung towel niya sa may bag niya at nag punas ng pawis saka lumapit ulit sakin. Nakatingin lang ako sakanya habang papalapit sakin.

"mag warm-up ka na" sabi niya at dire-diretso siya papunta kela maddie at nag warm up na siya

Nagstart na ang training. So eto pala yung isa naming teammate, setter siya namin. Tinitrain siya ni jia. "Ano name niya?" tinanong ko si pongs

Til i met youWhere stories live. Discover now