chapter 31

4.9K 103 7
                                    




It's our game day today against UP. Medyo kinakabahan lahat. As always naman kahit sino naman kakabahan pag laro e.

Nagstart na ang game. Hindi kasama si jho sa first six, pinagpahinga muna siya ni coach tai para sa game namin against Lasalle. Akala namin si ate ly yung ipagpapahinga ni coach tai pero tumanggi daw si ate ly, si jho nalang daw para kapag napagod na si ate ly may papalit sakanya. Iba talaga si ate ly, kaya maraming humahanga sakanya.

Tuwing ako yung magseserve, si jho nagchecheer sakin. Lagi niya lang sinisigaw "go bey!" tapos pag nagkakascore ako titingin ako sakanya tas magf-flying kiss siya.


FF


nanalo kami sa game in 3 sets. Andito kami ngayon sa dugout para magayos ng gamit namin.

"guys saan niyo gusto magcelebrate?" sabi ni ate mona

"walrus! walrus! walrus!" sigaw naming lahat

"mga baliw! bawal gumimik ngayon. May training pa bukas *laugh*" sabi ni ate ly

"basta after finals walrus ha!" sabi ni mich

"basta champion diba coach?" sabi naman ni ate mona

nagnod lang si coach tai at nag thumbs up pa siya.

nagdesisyon kami na pizza party nalang sa dorm.  Nagpadeliver kami ng 3 pizza sa shakey's dahil buy 1 take 1 naman yun so bale 6 pizzas yung inorder namin.

"mga palo mo bea halatang may hugot ha" sabi ni maddie

pinaguusapan kasi namin yung laro kanina. Saakin kasi madalas ibigay ni jia yung bola kaya naqquick attack.

"Oo nga pansin ko kanina. Ano pinanghuhugutan mo beh?" sabi ni jho

"Ikaw!" Sigaw nila sabay tawa

nagulat si jho sa sinabi nila.

"b-bakit ako?" sabi ni jho

"wag ka maniwala sa mga yan" sabi ko kay jho "para kayong mga baliw. Pinagsabihan lang ako ni coach na ayusin spikes ko" sabi ko.

"wow naiintindihan mo si coach tai? akala ko si ate ella lang nakakaintindi don pati pala ikaw" sabi ni jia sabay tawa

"Grabe kayo! Hindi ko din naman naiintindihan si coach tai! Nakikisakay lang ako sa trip niya" biro ni ate ella

"happeh happeh!!" sigaw naming lahat at nagtawanan

maya maya dumating na din yung pizza namin. Pagkalapag na pagkalapag sa table nagsikain na ang lahat. Tomguds lahat e. Wala ng plato plato, andito naman kami sa dorm e tsaka gutom lahat.

"beh huminto ka naman sa pagkain" sabi ko kay jho "a-aray! J-joke lang beh!" kinurot niya ko sa bewang

"sige n-na kain ka lang dyan. E-eto water mo" sabi ko habang hinihimas yung bewang ko.

kanina pa kasi siya kain ng kain ng pizza. Siya nga ata nakalahati ng isang box e. Sinasabayan niya sila ate ella at jia sa pagkain kaya pati siya tumataba na din.

matapos kumain nagpahinga ang lahat. Busog eh. May natira pang dalawang box. Nahiya pa yung tatlo na ubusin.

"Laki ng tyan ko beh" sabi ni jho habang hinihimas yung tyan niya

"takaw mo kasi — aray! kanina kurot ngayon hampas naman" hinampas niya kasi ako sa braso

"napaka bully mo kasi! masarap kaya kumain"

Til i met youWhere stories live. Discover now