CHAPTER SEVEN:

39 4 5
                                    

CHAPTER SEVEN:

=DISCLAIMER=

©2014 Hate that I fall for you written by Lemnlydane

All rights reserved. This is an original work of fiction and the results of a mind's imagination. Any Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author's written permission or publisher except for the use of brief quotations in critical articles or reviews.

Stealing is a crime, please avoid Plagiarism. If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law.

Please follow/subscribe, comment, and add this to your library.
***************

Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang ibinigay sa amin yung task. Napaisip ako, hindi pala madali. Samantalang yung dalawang bestfriends ko mukhang enjoy naman sila sa company ng bawat isa, eh ako? Ayon stay single forever. At isa pa, writer's block pa rin ang drama ko. And tomorrow, classmate na naman namin sya. Sana di pa matapos ang araw na ito, para di ko sya makita bukas. Kaya lang bakit ganun, pinagagalitan ako ng puso ko? Gaga daw ako, dahil nae-excite naman talaga ako.

But as the days pass, di ko maalis yung nakita ko na may kasama sya. Diba dapat wala akong pakialam? Wala naman kaming commitment sa isa't isa, and besides hindi naman namin gusto ang isa't isa para mag emote ako ng ganito. Pero, parang may masakit sa loob ng dibdib ko, parang winawasak, mas lalo akong nakakaramdam ng asar at inis sa nakita ko na may kasama syang babae.

"Syete! Lampas na ako." Bulong ko sa hangin. Kaiisip ko toh eh, di ko napansin na lampas na ako sa bababaan ko. I take a deep breath, late na ako sa klase ko.

Nang dumating ako, at natanawan ko yung wall clock, ten minutes na akong late, mabuti na lang mabait yung professor namin ngayon. Humingi ako ng paumanhin kung bakit ako late, pinaupo lang naman nya ako at di na ako tinanong ng kung anu ano pa.

Mali ba yung tingin ko sa calendar, diba dapat tuesday pa lang ngayon? Bakit wednesday na agad? Tapos, wala pang vacant seat liban dun sa tabi ng hambog, bakit kasi di sya nagpapa seating arrangement eh di sana di kami magkatabi ngayon.

Tahimik na lang ako na umupo.

"Pst! Bat late ka? Di ka siguro nakatulog kagabi. Sabi ko naman sa'yo wag mo akong isipin, puro eye bags na tulog yang mata mo." Saka pa sya tumikhim at parang tinititigan ako, bakit ganun? Pakiramdam ko laging may ibang laman ang isip nya kapag tinitigan nya ako ng ganyan. Hindi na sana ako sasagot kaya lang nairita ako sa sinabi nya.

"Tse!" Iyon na lang ang nasabi ko. Dumukot ako ng salamin at inispeksyon ang sarili kong repleksyon. Teka, kelan ka pa naconsious sa sarili mo, ha Sia? Maluwang lang talaga ang turnilyo ng lalaki sa tabi ko? Wag ng pansinin baka makahawa pa.

Ang ingay nya at ang kulit kulit, panay pa hiram sakin ng kung anu-ano. Pati yello paper nanghihingi din. Napansin ko ngang ang isang pad pa yung papel nya at wala pang bawas dahil nakabalot pa sa plastic. Nung mapansin ko yun, sinabi naman nyang, mababawasan daw kapag kinuhaan nya. O, diba bwiset talaga.

Hinayaan ko na lang sya sa sumunod nyang pangungulit, hindi ko na sya pinansin. After her class, nagdesisyon na akong tumayo at pumunta sa KFC na halos katabi lang ng School. Maglalakad na sana ako palabas when I overheard them talking about me. Di ba nila inisip na nandito pa ako?

Hate that I fall for you (Unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon