CHAPTER WAN:

126 3 2
                                    

=DISCLAIMER=

©2014 Hate that I fall for you written by Lemnlydane

All rights reserved. This is an original work of fiction and the results of a mind's imagination. Any Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author's written permission or publisher except for the use of brief quotations in critical articles or reviews.

Stealing is a crime, please avoid Plagiarism. If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law.

Please follow/subscribe, comment, and add this to your library.
***************

Originally published September 24, 2014. Republished today, unedited original version.

Hate that I fall for you.. Because I love you so..

CHAPTER WAN:

Emma writer

Emma writer

Emma writer

Emmantok! Haaay.. isang malaking hikab ang ginawa ko. Pagod na ako antok na talaga ako. Di ko na alam kung paano ia-update yung story ko sa wattpad. Trying hard writer kasi ako. Hinayaan ko na lang na pumikit na ang mga mata ko.

Kriingg... kriingg...kriinngggg!

"Ano ba! Ang ingay!" Napahatak ako sa cellphone ko na nag-aalarm, handa ko na sanang ihagis nang maalala ko kung iyong ang pang 7 am ko na alarm. "Shitt!!! Late na ako!!"

Madaliang tumayo ako sa kama, bahala na ang kalat, babalikan ko na lang mamaya. Mabilis akong naligo at nagbihis, wala ng almusal. Late na late na ako sa klase ko.

Nag LRT na ako para masmabilis, usually kasi Bus ang sakay ko, pag maaga, walang traffic. Sinulyapan ko ang oras na nakasabis sa may waiting area sa LRT. 7:45 am. Wala na. Late na talaga ako. 8 am ang klase ko. Bahala ng makipaggitgitan basta makasakay lang.

Yun nga ang nangyari, halos maghalikan at magkapalit na kami ng mukha ng pintuan. Sa Central ang baba ko. Mabuti na lang, five stations away lang. Lakad-takbo na ang ginawa ko, magkandarapa na nga ako para lang maka abot.

But it was useless, late na ako ng bente minutos. Nagkaklase na sila, pero bakit ang tahimik, wala bang professor ngayon? Baliktad kasi samin, pag maingay, ibig sabihin mag profeesor, pero pag tahimik ang klase, walang professor, I was intending to our terror Ms. Menopause professor. Nasanay na nga lang kami.

"Ano nangyari?" Tanong ko kay Janamae. Nilapitan naman nya ako nang makaupo na ako sa upuan ko.

"The usual, wala si Ms. Sungit and the worst nagbigay na naman sa ST nya ng quiz na out-of-this-world." Sagot ni Janamae sa tanong ko na nakasimangot. Professor naming yun sa English communications. Kaya nga wala kaming natutunan, sya kasi professor namin.

Sya lang naman ang isa sa mga strikta at matandang dalagang professor dito sa U-never-see-ty namin. Sinulyapan ko ang white board at tama nga si Jana, out-of-this-world nga ang topic.

Minsan napapaisip ako, bat kaya type na type ng mga professor na magbigay ng exams na wala naman sa lecture, tapos aatend lang pag oras ng midterm, prelim at final. Hay.. ang saklap ng life. Paano kaya kung sila ang nasa kalagayan namin diba?

Hate that I fall for you (Unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon