Part 3: Kiel's Girlfriend?!

71 3 0
                                    


Selene's P.O.V

9pm na ako nakauwi sa bahay dahil sa meeting at traffic, dumiretso na ako sa kwarto para mag ayos para makatulog na ako dahil pagod ako

Pag tapos ko mag shower at makapag bihis pinatuyo ko na yung buhok ko, habang nag papatuyo ako ng buhok nakaramdam naman ako ng gutom,kunti lang kasi kinain ko kanina dahil iniisip ko baka ma traffic ako pauwi

Bumaba ako para pumunta sa kusina at maghanap ng pagkain, may nakita akong Strawberry cake sa ref kaya yun nalang kinain ko

Habang kumakain ako nag vibrate yung phone ko nung kinuha ko nakitang kong nag text si Ashley

From: Ashley the psycho
Uy anyare sa pag bisita mo kay Kiel?

To: Ashley the psycho
Ok naman bakit?

From: Ashley the psycho
Ah wala, I'm just wondering lang kung may pag amin bang naganap like you know kung umamin ba siya na he still like you

To: Ashley the psycho
Sira walang ganun na naganap saglit lang naman kami nakapagusap kasi may meeting siya, eh that time ako din may meeting.

From: Ashley the psycho
Ahhh sayang naman, sige good night na nga

Nag reply din ako ng goodnight sa kanya sakto rin na naubos ko yung cake, nilagay ko sa lababo yung plate at umakyat para mag toothbrush at matulog na

Matapos kung mag toothbrush nag handa na ako para matulog kaso di ako madapuan ng antok

Tapos lagi pang nag papop sa utak ko yung mukha ni Kiel, anong nangyayari sakin?

"Bakit ganun bumibilis yung tibok nang puso ko pag naalala ko siya"

"Arrrrghhhhhhh ano bayan? Nakaka inis bakit ganun"

"Uyy bakit? Hala Selene bakit ganun?"

"Uy tae ang OA ng heart ko"

"Foocckkk kailangan kong matulog"

Nag pagulong gulong ako sa higaan sa frustration

Hindi ko kasi gets bakit bigla ko siyang naiisip tapos yung puso ko biglang titibok ng bongga hala shet

Bumangon ako at binuksan yung bintana,nag pahangin lang ako saglit

Nang medyo nakaramdam na ako ng antok sinara ko na ang bintana at humiga sa kama at natulog

****

Kinabukasan maaga akong gumising dahil pupunta ako sa isa sa mga branch ng Cafe ko dito sa pinas

Matapos akong mag ayos kinuha ko yung susi ng kotse at dumeretso sa kotse ko

Paaandarin ko na sana yung kotse ko ng may nag text

From: 09*********
Selene si Kiel to, busy ka ba? Gusto ko lang makipag meet

To: Kiel
Hindi naman dadaan lang ako sa Cafe ko, gusto mo dun na lang sa Cafe ko tayo mag kita?

From: Kiel
Ok sige, ano ba address ng Cafe mo?

To: Kiel
6** Timog Avenue, Barangay S**** T*******, 1**** Quezon City

It's You - My One Sided Love 2Where stories live. Discover now