Part 1: Welcome back party

108 2 0
                                    

Selene's P.O.V

"OHHH MYYY GOSSSHHH SELENE!!" Sigaw ni Ash habang papalapit ako sa kanya

"Tangina ka namiss kita" bungad niya sakin ng makalapit ako

"Grabe gandang bungad ha,minura agad ako" natatawa kong sabi sa kanya

"Hahaha sorry na miss lang talaga kita,grabe 6 years din yun" sabi niya

Kakadating ko lang dito sa pilipinas bukas kasi ang opening ng new branch ng restaurant ni Blake, sabi niya kasi di na daw niya ako kakausapin pag this time di nanaman ako makakapunta so ayun napa uwi ako

"Bakit ikaw lang sumundo sakin?" Takang tanong ko ang sabi kasi ni Blake tatlo silang susundo sakin siya,si Ash at Kiel pero si Ash lang ang nandito

"Ahh yun, busy kasi Blake para sa opening bukas si Kiel naman sabi niya may gagawin pa siya di na siya nakasama" sabi niya

Medyo na disappoint ako lalo na kay Kiel, sa anim na tao ko dun sa Korea 4 years kaming walang contact sa isa't isa pag tatawagan ko busy daw siya, tapos pag chinachat ko biglang mag ooffline

"Ahh ganun ba?,teka tara medyo pagod na ako ee" sabi ko sa kanya, tumango naman siya,sumakay na kami sa kotse niya

Habang nasa byahe wala namang preno yung bibig ni Ash kaka kwento ng kung ano ano

"Selene matanong lang,may balak ka bang tumira na ulit dito sa pinas?" Napalingon naman ako sa tanong niya

"Di ko pa alam eh, may mga inaasikaso parin kasi ko sa Korea kaya di ako makaalis" sabi ko sa kanya napa sigh naman siya

"sana dito ka na lang,para sumaya na siya" napalingon ako sa kanya

"ha?sinong dapat sumaya?" tanong ko sa kanya 

"ah wala yun,malapit na pala tayo sa inyo" pag iiba niya ng usapan

mga ilang minuto lang nakarating na kami sa bahay,pag bukas ko ng pinto sumalubong sakin lahat ng kaibigan ko

lumapit sakin si Blake at niyakap ako

"Welcome back Selene" naka ngiti nitong sabi sakin,pero may hinahanap ako si Kiel,wala siya rito

"Syempre,takot ko ba naman na di mo na ako kausapin hahahaha" sabi ko sa kanya pero di ko maiwasan na hanapin si Kiel

"May hinahanap ka ba?" tanong nito saakin  umiling lang ako

"wala wala tinignan ko lang yung paligid na miss ko lang ang tagal ko rin nawala eh"pag dadahilan ko

"naku ako pa talaga niloko mo?,I know who you are looking for  its Kiel,right?" napa yuko lang ako

"ahhmm oo, I'm just a little disappointed that he's not here, ang tagal kong nawala eh tiyaka kaibigan ko siya eh" sabi ko sa kanya tinap niya ako sa balikat

"baka busy lang talaga, di rin ko siya ma contact eh" sabi nito sakin

"siguro nga" sabi ko na lang

nakipag kwentuhan ako sa kanya ng nag ring yung phone ko pag tingin ko sa phone ko si Kellie pala,kapatid ni Kiel

"Hello, Kellie,napatawag ka?" tanong ko sa kanya, lumabas muna ako ng bahay dahil maingay sa loob

"Balita ko kasi ate nakabalik ka na daw dito sa pinas,mangangamusta lang ako hihi" sabi niya, hanggang ngayon ang jolly niya parin

"Kamusta na?,anong year mo na ngayon?" tanong ko sa kanya

"3rd year collage na po ako ate,by the way ate tanong ko lang andiyan po ba si kuya?" tanong nito sa akin

It's You - My One Sided Love 2Where stories live. Discover now