5 ~ Fight

108 4 0
                                    

"R-ron?" Napahakbang siya paatras at nabitawan ang papulsuhan ko. Malamig ang kamay niya kaya nang bitawan niya ako ay tila binalot ng init ang kamay ko.

Napabuga ako ng hangin sa naramdaman. Dinig ko rin ang pagtibok ng puso ko at sa hindi malamang dahilan ay parang nakaramdam ako ng ginhawa dahil siya iyon, na tila masaya ako dahil muli ko siyang nakita.

Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kung ano ang iniisip ko. Vynette! Gusto ka niyang patayin!

Pinosisyon ko ang kamay ko bilang depensa kung sakaling umatake siyang muli. Sa bilis ng kilos niya ay hindi ko namalayan ang pagkuha niya sa espadang nakabaon sa lupa at agad na pumunta sa pwesto ko. Rinig ko ang pagmumura niya at ang sunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan.

Tumalikod siya at kitang-kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa espada bago niya ito isinangga sa harapan ko na tila ba prinoprotektahan niya ako. What?! A-anong ginagawa niya?

Napatingin ako sa harap namin kung saan siya nakatingin. Nanlambot ang tuhod ko nang makita ang isang malaking nilalang na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa aming dalawa. Kulay ginto ang mata niya at kayumanggi naman ang kulay ng mga balahibo nito. Humiyaw ito nang napakalakas at naitakip ko ang kanan kong braso sa aking mga mata nang lumakas ang ihip ng hangin.

Wala sa sariling napaatras ako. Namataan ko rin kung paano magtagis ng bagang si Ron habang nakatingin sa halimaw na nasa harapan namin. Ako naman ang napamura.

Lumingon si Ron sa akin gamit ang malalamig niyang mga mata. Sa sandaling iyon ay parang may isang bagay na nagpabagabag sa akin. Isang bagay na hindi ko matukoy kung ano.

"You should run..." Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. Mahinahon ang kaniyang pagkakasambit ngunit hindi pa rin ako mapakali.

"Pero--!"

"I SAID RUN!" Napatalon ako sa gulat. Napabuga siya sa hangin habang nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa noo niya.

"Tumakbo ka na habang may oras ka pa." Nakapikit niyang sambit. "Dahil kapag nagawa kitang abutan pagkatapos kong kalabanin ang nilalang na ito, hindi na kita hahayaan pang mabuhay pa."

Nanginig ang buong katawan ko sa tono ng boses niya. Seryoso ang mukha niya at hindi iyon pinagkakaila ng mga mata niya. Sa isang iglap ay tila bumukas ang isang pader na bumabalot sa puso niya dahilan para masilip ko ang isang parte ng sa puso niya.

Napakunot ang noo ko. Imbes na tumakbo palayo ay itinago ko ang sarili ko sa likod ng isa sa mga malalaking puno.

Biglang itinaas ng malaking nilalang ang isang paa niya at sinubukang apakan si Ron. Agad naman siyang napatalon paatras upang maiwasan ang atake nito. Napamangha ako sa labanan nilang dalawa.

Mabibilis ang kilos ni Ron kaya't madali niyang naiiwasan ang atake ng malaking ibon na may pagkabagal ngunit malakas kung sumugod. Iwinasiwas ni Ron ang hawak na espada at sinubukang atakihin ang kalaban.

Kahit mukhang imposible ay naiwasan ng nilalang ang atake ni Ron. Kitang-kita ko naman sa pwesto ko ang determinasyon ni Ron na tapusin ang laban. Lumamig ang ihip ng hangin. Ramdam na ramdam ko ang pagbigat ng tension sa paligid.

Pinaningkit ko ang aking mga mata sa direksyon ng naglalaban nang makita ko ang pag-usok ng hininga ko. Yelo?

Gumawa si Ron ng distansya mula sa halimaw. Nakita ko ang pagpwesto niya sa sariling mga paa at kitang-kita ko ang pagbuo ng yelo sa inaapakan niya. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa espada na umuusok na rin marahil sa lamig.

Ilang sandali pa ay namuo ang mga ice crystals sa dulo ng patalim. Dinig ko ang pagsigaw ni Ron habang sumusugod sa ibon. Tinakbo niya ang distansya at umatake.

YRRIAFADIA : A World of WizardsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora