MONUMENTO

529 7 0
                                    

MONUMENTO

"Saan pababa?" tanong sa akin ng babae sa ticketing booth.

"Monumento station." Sagot ko, inabot ko ang aking bayad sa kanya at binigay naman niya sa akin ang card ng LRT.

Lumapit ako sa entrance ng LRT, ipinasok ko roon ang card at saka hinila ang bakal na nakaharang sa akin. Napatingin muli ako sa makinang iyon nang makapasok na ako. Nakakatawa, parang kailan lang, hindi ko alam gamitin ang makinang iyon. Naaalala ko pa, first time kong sumakay sa LRT humingi pa ako ng tulong sa guwardiya upang maipasok ko ang card sa makinang iyon at makapasok ako sa sakayan.

Napabuntong hininga ako, after one year, hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa akin. Babalik din pala ako sa Monumento kung saan ako nag-umpisa. Sa istasyon kung saan ako bumaba ng bus at umakyat sa palapag na ito, umaasa na makikita ko ang hinahanap ko.

Isang taon na ang nakakaraan...

"Saan pababa?" tanong ng babae sa akin sa may ticketing.

"Po?"

"Saan ka pababa?"

Napakamot ako ng ulo. Saan nga ba ako pababa?

"Miss, ano ba? Ang haba na ng pila, saan ka ba pababa?"

Tinignan ko ang listahan ng station ng tren sa nakalista sa may salamin ng cashier, nakasulat sa dulo non ay ang Baclaran, "Baclaran."

Inabot ko ang aking bayad sa babae at saka niya ibinigay sa akin ang card.

"P-paano po ito?" tanong ko sa babae.

Tinuro ng babae ang guard ng LRT, "Magpaturo ka na lang don sa guwardiya."

Lumapit ako sa lalaking guwardiya, "Manong, pasensya na po, first time ko lang po kasing sasakay sa LRT. Paano po ba gamitin ito?" itinuro ko sa kanya ang card.

Ipinasok ng guwardiya ang card sa makina at saka ito lumabas sa ibabaw ng makinang iyon. "Sige hilahin mo yung bakal."

Hinila ko yung bakal na nakaharang at saka ako nakapasok ng LRT station, "Salamat po."

"Parating na yung tren, wag kang lalampas ng yellow na linya ha, delikado yun, bago mahulog ka."

Tumango ako, "Sige po."

Bitbit ang aking maleta ay lumapit ako sa ibang mga taong naghihintay ng padating na tren. Iniwasan kong umapak sa yellow na linya tulad ng sabi sa akin ng guwardiya.

"Hoy!" napatingin ako sa pinagmulan ng malakas na boses na iyon. Isang lalaking palapit sa akin, nakasuot ng blue na T-shirt na may nakalagay na logo ni Superman sa gitna ng T-shirt na iyon.

"Hoy miss may pumupuslit ng wallet mo!"

Napatingin ako sa bitbit kong bag, bukas nga ang zipper non at wala ron ang wallet ko.

Nagulat ako nang makita kong tumakbo ang lalaki, hinahabol ang isa pang lalaki na bitbit ang wallet ko, "Ang wallet ko!"

Bitbit pa rin ang mga dala-dalahin ko at hinabol ko sila. Hanggang sa biglang mahablot ng lalaki na nakablue na T-shirt an gang damit ng magnanakaw, "Siraulo ka ha."

Naglapitan sa kanya ang dalawang pulis, naglabas ito ng posas at pinosasan ang magnanakaw.

"Akala mo makakatakas ka ha." Sabi niya sa magnanakaw, "Sige ikulong yan, caught in the act."

Natulala ako sa mga pangyayari, lumapit sa akin ang lalaki at inabot ang wallet ko, "Miss, heto na wallet mo."

Napanganga ako, hindi ako makapagsalita, parang sandali akong nawala sa aking sarili.

KUWENTONG LRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon