UN AVENUE

359 11 3
                                    

UN AVENUE

Baclaran Station...

Napatingin ako sa relos ko habang nag-aabang ng padating na LRT. Hay anong oras nab a? Halos thirty minutes na akong naghihintay dito ha wala pa ring LRT. Sa sobrang inip ay lumapit ako kay Manong guwardiya upang magtanong.

"Bosing, ano ba yan? Ba't hindi pa rin dumarating yung LRT?"

Napakamot ng ulo ang gwardiya, "Pasensya na po mam, nasiraan lang po sa may Gil Puyat."

"Wala bang reserba?"

Umiling ang guwardiya, "Wala pa po mam."

Wala akong nagawa kundi ang maghintay. Hay ang pinaka-ayoko pa naman ay ang maghintay katulad nito. Nakakaiinip, nakakapagod at higit sa lahat ay nakakabwiset!!! Nakakainis, ang dami ng pasaherong naghihintay dito sa Baclaran station at paniguradong magsisiksikan na naman kami ng parang sardinas dito sa loob ng tren. Ang dami ko pa naman dalang paninda.

Ilang sandali pa ay dumating na ang tren, nag-unahan ang lahat sa pagsakay dito at dahil sa dalawang malaking plastic ang dala-dala ko di ako nakasabay sa pag-uunahan ng mga pasahero.

Hanggang sa nakapasok nga ako sa tren pero tinignan ko ang loob nito, naghanap ng mauupuan. Napailing ako, parang gusto kong umiyak, hay naku, wala ng upuan bakante na lahat, nakakangawit ng tumayo!

"Miss."napatingin ako sa isang nilalang na kumalabit sa akin.

"Miss, umupo ka na."sabi ng isang morenong lalaki na may katangakaran at may kaguwapuhan parang pambasketball heartthrob ang dating.

"Ako?"

Tumayo siya sa kinauupuan niya at pinaupo ako.

"T-thank you ha." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at doon siya tumayo sa tapat ng kinauupuan ko.

Lihim naman akong napangiti, hindi ako makapaniwala, may natitira pa palang gentleman sa mundong ito at cute pa ha.

"Uy kuya!" napatingin ako sa isang binatilyong lalaki na mukhang college student na tumawag sa kanya.

"Uy! Kamusta? "sagot niya.

"Pupunta ka rin sa church kuya." Sabi ng binatilyo sa kanya.

"Oo, musta ang studies?" tanong niya.

"Okey naman kuya. Kuya salamat pala sa mga prayers at tulong niyo ha. "

Tinapik niya ang balikat ng lalaki, "Okey lang yun bro. Basta kapag may problema ka wag kang mag-alinlangan na sabihin yun sa grupo, ipagdarasal natin yan."

Napangiti muli ako. Grabe naman itong guy na ito, cute na, matangkad pa, religious pa at mukhang mabait. Grabe naiinspire naman akong magkaboyfriend nito.

UN Avenue Station.

Tumayo na ako upang bumaba ng tren, sinimulan ko ng bitbitin ang mga dala kong paninda.

"Hey Miss, gusto mo ng tulong?" Sabi sa akin ni Mr. Cute.

"Ah eh. Ano eh. Okey lang ba sayo?"

"Oo naman. Mukha kasing mabigat ang dala mo tulungan ka na naming ng kasama ko."

"S-sige."nakakahiya man ay nagpa-unlak na ako sa offer niya tutal kanina pa kasi ako ngawit na ngawit at hirap na hirap sa mga dalahin ko eh.

Habang dinadala niya ang bitbitin ko, habang bumaba kami ng hagdan sa LRT ay napapangiti ako. Grabe ang gentleman niya talaga. Kung ganito lang ang lalaking magiging boyfriend ko hay hindi ko na siya pakakawalan.

KUWENTONG LRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon