him: ha? bakit? anong oras ba ang lunch break niyo?

me: 12 pa rin pero nandito kasi ako sa ospital eh.

him: ha?! Wait, Cee. You're not hurt, are you? May tinulungan ka na naman ba?

me: Hehe... Cal, this time totoo na to.

him: what--

me: Pero huwag ka ng mag-alala. Hindi naman malala ang lagay ko eh. Hindi lang siguro muna ako makakalakad ng maayos. But I can manage.

him: Hay, umandar na naman ang pagka-accident prone mo noh? 

me: medyo....

him: I'll go there. Tawagan na lang ulit kita. Bye.

me: bye...



Maya-maya, may kumausap sa akin na doktor.


"Ms. Lizares?"


"Yes, po Doc." 


"Ako nga pala si Doc. Kevin Mendoza, I will be your doctor. Base sa assessment, hindi naman malalim ang mga sugat mo pero kailangan mo pa ring ipahinga ang paa mo. You have to rest for at least a day at patuloy na lagyan ng gamot ang affected area. I'll make the medical certificate at my office. May susundo ba sayo dito? Kung wala, I'll ask a staff to give it to you." 


"May susundo po, Doc. Kami na lang ang pupunta sa opisina niyo." 


"Okay sige. Nasa 2nd floor lang naman ako. Room 205." 


"Thank you po." 


Twenty five minutes later, dumating na si Calvin.


"Cee, kamusta? Anong nangyari sayo?" He asked while checking my bandages.


"Okay lang ako. Hindi ko kasi nakitang may sirang tile pala sa classroom kaya nadapa ako. Maliit lang naman ang mga sugat ko eh. Ang mahirap lang sumasakit kapag sinusubukan kong gumalaw." 


" Anong sabi ng doktor?" 


"Kailangan kong magpahinga ng isang araw at patuloy na gamutin ang apektadong parte."


"Okay, noted. Eh yung med cert mo? Nakuha mo na?" 


"Sabi ko kay doc na tayo na lang ang kukuha sa opisina niya." 


"Now?" 


"Yup." I started to move my legs and I would unconsciously hiss every time I feel pain. 


"Palagay ko kailangan mo ng wheel chair." he said and stopped me from getting off the bed.


"Cal, wheel chair? Ang O A ha!" I smiled at him. "Nandito ka naman eh. I don't need a wheel chair." I tried to act cute.


"Wha---wow! Teach, I'm worried here okay? Don't start." 


Diary of an IntrovertTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang