16: The Confession

35 1 0
                                        

After I received the message of Aki, I left it unseen for a day.

I thought to myself, bakit ko naman siya iiwasan? Bakit ko naman siya hindi sasagutin? I remembered those days when we used to share and comfort each other. Nakaka-miss ang ganoong friendship. Gusto ko yung maibalik at maramdaman ulit kaya naman after work, I started telling him my circumstances.

I was happy that I could share something with him again. As a friend, yes. Kahit bilang kaibigan na lang.

I slept late waiting for his words but, nothing was returned.

Days...weeks...and a month came, my message was still unseen.

Cee, bakit ka ba umasa? Hindi na nga siguro maibabalik ang dati.


----------

Pumunta kami ng simbahan nina Nalie at Eric para umattend ng misa. After that pumunta kami sa isang cafe malapit sa dati naming school noong collage.

"Dalawang Vietnamese Coffee po at isang Caramel Machiato." Sabi ko sa cashier. Iaabot ko na ang bayad ng may pumigil sa kamay ko.

I looked at him.

"Hi." He said. Grinning.

"Calvin?"

At ano naman ang ginagawa niya dito? Wait---nandito rin ba si Aki?

I became nervous. Ayoko siyang makaharap ngayon. Please Lord, huwag ngayon.

"Ako na ang magbabayad ha?" Napatigil ako sa kakaisip ng nagsalita si Calvin.

"Ha? Teka---bakit?"

"Hmm? Bakit? Dahil may pera ako? Trip kitang ilibre ngayon. Bakit? Masama?"

"Ha? At bakit mo naman gagawin yun? Close ba tayo?"

"Teacher Cee, nakikipag-close po ako sa iyo. Ikaw lang itong lumalayo." Sabi niya at mas lumapit pa sa akin. "Sabihin mo nga, hindi mo ba ako type?"

"Haaa?"

"Hoy. Pangatlong 'haa' mo na yan ah." He's obviously annoyed. He was about to say something nang ibinigay na nung crew ang orders namin.

He got my caramel machiato and gave the other two coffees kina Eric at Nalie.

Namilog yung mata nang dalawa, syempre. Magrereact na sana sila ng inunahan na naman ng mokong na to.

"Guys, hiramin ko na muna ang kaibigan niyo ha. Ibabalik ko rin siya." He said and gave them a smile.

Halatang kinilig naman yung dalawa. Hay kainis!

We went to the other table na medyo malayo sa mesa nina Eric.

I blankly stared at him.

He sighed. "Okay. First of all, almost 2 months na po ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kino-confirm sa fb. May galit ka ba sakin ha? Hindi mo ba talaga ako type?"

"Paano kung sabihin ko sayo na hindi?"

He was shocked.

I continued. "At paano mo naman ako nahanap dito? Paano mo nalaman na Caramel Machiato ang para sakin? Bakit mo kami nilibre?"

He pouted before answering. "Fine. Day off ko ngayon, okay? After a long week na parati akong nag-oover time, ngayon lang ulit ako makakapagrelax. When I was walking, I saw you and your friends entered the cafe. At nilibre ko kayo dahil..."

Is it just I or he's starting to blush?

"Dahil ano?" Tanong ko.

"Dahil birthday ko ngayon! Bakit? Di pwede? Hmp."

I laughed. Nakakainis siya pero natatawa rin ako at the same time. "Alam mo, hindi ko akalain na ang suplado mo at mainitin ang ulo."

"Tch. Alam mo, di ko rin alam na ganyan ang ugali mo." Sagot niya.

"So siguro naman na-turn off ka na?" I said with a sly smile.

He did the same. "May sinabi ba ako? Gusto pa rin kita kahit ganyan ang ugali mo."

"Was that a confession?"

"Oo." He's seriously looking into my eyes. I wanted to look away pero ayokong magpatalo sa lalaking to.

"Ah. Gusto mo ako bilang kaibigan di ba? Fine, I'll accept your friend request kaya pwede bang---"

"Haha. Sorry. But I don't plan to be just your friend. My goal is to be more than that, Cee."

Tch. Kainis! He's just like the previous boy I met na niloko lang din ako sa huli. No, Cee. Huwag kang magpadala sa kanya!

"Ha. Sorry but I'm not as naive as you think I am, Calvin. You're the type of guy na dapat iniiwasan ko. So please, huwag mo na akong guluhin."

"Fine." He said as he stood. "If you're not naive, sana makita mo rin ang totoong pagkatao ni Aki."

By that name, my reaction changed. "Bakit mo naman dinamay si Aki dito?"

"Why? Isn't he the reason behind your songs? I told you I'm also your fan, Cee." He gave me a stern yet concerned look.

"Don't hurt yourself more, Eucee. Forget him." He said and went away.






My heart was in shock. It seems that...ngayon lang nag-sink in ang mga sinabi niya.

Tch. I really hate that guy.



***to be continued***

Diary of an IntrovertWhere stories live. Discover now