Ilang oras rin ang byahe papunta sa bahay. Nang makarating kami, agad kong ginising ang dalawang bulilit na mahimbing na natutulog

"What is it, Mommy?" mapupungay ang mga mata ni Sam, habang si Sky naman umupo ng maayos habang nakapikit ang mga mata.

"Andito na tayo, anak" 

Namilog ang mga mata ni Sam at tumingin sa paligid. Agad itong tumili na nakapagulat kay Sky.

"Samantha" 

"Sorry, Kuya hehe"


"Oh let's go inside na. For sure gusto nyo na makita sina Mama at Papa"

"Yes! Yes!" excited na saad ni Sam. 

Umiling na lamang si Sky. 


Nang pumasok kami ng bahay, napansin kong ang tahimik.

Hinawakan ko ang kambal, sa left si Sam at sa right naman si Sky

"No one lives here? Then, why is the door open? You know that I hate jokes, Mommy" at napakunot ng noo si Sky.

Luminga-linga ako pero wala sina Papa at Mama.


Pumunta ako sa bakuran.

"Ma?"

At doon, nakita ko ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. 

Nagulat ito nang makita ako pero mas nagulat nang napatingin ito sa kambal.


Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit at yakapin siya.



"Ma"

"Anak? Bakit hindi mo sinabi  na uuwi kayo? Alam mo bang namiss kita, anak. Sa kagustuhan ko man dalawin kayo at ng kambal---"

"Okay lang, Ma. Ngayon na andito na kami wala ka ng gagawin pa"

"Sino nagsundo sa inyo? Kumain na ba kayo? Baka nagugutom na ang mga apo ko" ngiting saad ni Mama

"Ikaw talaga, Ma. Si Manong Robert ang sumundo sa amin, kanina ko lang rin siya tinawagan. Sinabihan ko rin na huwag sabihin sa inyo, ayokong masira ang plano ko na supresahin ka"

"Ano ka ba naman, nak. Ayan tuloy, naiyak na lang ako." wika ni Mama sabay punas ng kanyang mga luha.

Tumawa lang ako at niyakap siya.


"Ang apo ko"

Humiwalay ako sa pagyakap at tumingin sa mga bata. "Come, lumapit kayo kay Lola niyo"

Agad na lumapit ang tuwang-tuwa na magkambal at saka niyakap si Mama.

"Hi po Lola. I'm Sab" pagpapakilala ni Sab.

Si Sky naman, ngumiti lang at niyakap ulit si Mama


"Ang ganda at gwapo ng mga apo ko. Alam mo talaga kung saan nagmana"

Ngumiti lang ako kay Mama at saka rin pinagmasdan ang dalawa.


"Aww ang cute talaga ng mga apo ko. Just call me Lola Min or Grandma, Okay?" tumango namn ang mga bata

Showbiz Parents (KathNiel) EditingWhere stories live. Discover now