Hayst. "Ipapasok ko muna siya sa guest room. Mamaya na tayo mom mag-usap." Nabibigatan na rin kasi ako.

After ko siyang maibaba sa kama ay lumabas na rin kaagad ako. 

Si Mommy naman tingin nang tingin pagkalapit ko sa kanya. "Infairness ah. Ang cute niya ah. Ang ganda pa."

Maganda? Kailan ba naging maganda si chubs? Malabo na ata mata Mommy. Wala tuloy akong tigil sa kakatawa.

Shea's POV

Umaga na nang magising ako. Ginala-gala ko ang mata ko. Parang may mali ata sa kwarto ko.

Teka? Kwarto ko nga ba 'to? 

Shit! Agad tuloy akong napabangon nang mapagtanto na hindi ito ang kwarto namin ni Lauren. Napa-face palm na lang ako nang biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

Posible bang nakila Jeth ako? 

Fuck.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko kaagad ang isang magandang babae. Mukhang may pineprepare siya.

Noong nakita niya ko nakita ko naman na bigla siyang ngumiti. "Jethy Boy! Look! Gising na si cutie!" Nakita ko naman si tukmol ng diyaryo sa sofa. Mukhang wala siyang pake sa sinasabi ng mommy niya.

Lumapit naman ang ginang sa akin. "Hija, ano pangalan mo?"

"Shinea. Pero Shea na lang po." Sambit ko sabay ngiti ko sa kanya.

"Hala ang cute ng name!!" sobrang energetic ng mom niya. Now, alam ko na kung saan nagmana si Lauren. "Baby She na lang hihi!"

"Mom!!" nakita ko naman si Jeth na sinusuway yung mom. "Look, she's not comfortable." Take note. With accent pa.

"Ganon ba? Sorry Baby She ah." napayuko namab ang Mommy niya.

Umiling na lang ako. "Hindi po! Okay lang po sakin." Sinabayan ko naman ng ngiti.

I saw Jeth rolled his eyes. Hay nako.

Para namang kumislap ang mata ng Mommy niya. "Yieeee! Ang cute ni Baby She!" saka sinabayan niya pa ng pisil sa pisngi ko sabay yakap.

Niyaya na ako ng Mommy ni Jeth sa hapag. "Ahmmm. What should I call you po?"

"Mom na lang hija hihi!" Ang cute ng ngiti ng mommy niya.

Maya maya pa at may kinuha yung mommy ni Jeth sa may oven. Nakita ko naman na bitbit niya yung platito na may lamang cookies. "For baby She! Hihi"

Nahihiya tuloy ako sa mommy ni Jeth. Sobrang hospitable niya. Ang bait pa.

"Mom! Where's mine?!" pagwewelga ni Jeth.

"Wala hehe. Mag-bake ka na lang." sagot ng mommy niya.

Nakita ko naman si Jeth na padabog na binagsak ang kutsara sa plato. "I'm done."

Problema non?

Nakita ko siyang pumasok sa room niya. Sinundan ko.

"What are you doing here?!" tigre mode again.

"Ayan na. Selos ka pa." Inabot ko na lang sa kanya yung cookies na gawa ng mommy niya.

"Hindi ako nagseselos! Pwede ba?!" sabay talikod niya naman sakin.

Umupo naman ako sa kama niya. Hayst Ang lambot oh. Inihiga ko ang buo kong katawan doon.

Napahawak ako sa tagliran ko ng bigla kong ihulog ni tukmol sa kama.

"Damot!" I rolled my eyes. Inilapit ko ang mukha ko at tumitig sa kanya. "Sobrang bait naman sakin ng Mommy mo." Napangiti ako. Nakita ko ang inis sa kanyang mukha. "Pa'no kaya pag sinabi kong nililigawan mo ko?"

Tila umusok ang kanyang ilong sa sinabi ko. Tawa tuloy ako ng tawa. "Don't you dare tell her!"

"Okay." tipid kong sagot.

Luminga linga pa ko sa kwarto niya. Kulay gray ang kabuuan no'n. Napokus ang tingin ko sa mga collection niya ng laruan.

"Pokemon?" natawa tuloy ako. "Mahilig ka sa pokemon?"

"Huwag mong gagalawin yan!" sungit.

Napokus naman ang atensyon niya sa cellphone nang biglang may tumawag.

"Yes. Papunta na po kami diyan." sagot niya do'n.

"Who's that pokemon?"

Nainis naman siya sa tanong ko. Nagtatanong lang ako oy. "Fine. Di ko na lang sasabihin sa'yo."

Dali-dali naman siyang lumabas kaya sinundan ko. Hinawakan ko siya sa braso niya nang maabutan ko. "Ano nga ba kasi 'yon?"

Napatigil muna siya sandali saka inis na tumingin sakin.

"Fine. Nagising na daw si Lauren."

__________________☆

-CYRONGRAY

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now