CHAPTER 19

2.1K 18 0
                                    

"Can I kiss you?"

Ang sama ng pakiramdam ko. Grabe naman talaga. Walang hiyang lalaki ito.

"Lizbeth? Sorry na talaga please?"

Hindi siya pumasok kasi 'di daw niya matitiis na wala ako. Drama noh? Absent kaming dalawa. Napatawad ko na siya kagabi. Itong pagbahing ko na lang talaga yung nakakairita.

Si Mommy tawa ng tawa, isa pa yun. Sabi pa niya kanina bago siya pumasok sa work...

"Now you know the reason kung bakit 'di siya tumatanggap ng kahit anong flowers... kasi allergic siya. Hahaha. Kaya nga naaasar siya, makakita lang ng buhay na bulaklak dito sa bahay. Parang papatay yan!"

"Ninang naman eh. Bakit hindi niyo sinabi?!"

"Achoooo~~!!"

"Oh sige na, dalhin mo na yan sa kwarto niya, bukas wala na yan okay? Don't worry masyado kasing maarte ang balat ng honey ko."

"Achooooo~~!! Bwisit naman talaga ito!"

Lumapit siya sa tabi ng kama ko at hinawakan yung kamay ko. Kinabahan ako, ewan ko ba. Tiningnan niya ako sa mukha. Bakit parang uminit bigla? Potek!

"Can I kiss you?" Hindi na ko nagulat doon. Bakit hindi? Boyfriend ko naman siya.

"Okay. You may go..."

Nilapit niya yung mukha niya sa akin. God!

Malapit na...

3 inches. .

2 inches. .

1 inches. .

0.5 inches. .

0.25 inches. .

0.05 inches. .

Shet na malagket! Bakit ba nasusukat ko kung gano kalayo yung mukha niya sa akin?

0.01 inches. .

Ayan na talaga...

"ACHOOOOO~~!! ACHOOOOO~~!!"

Napatingin ako sa mukha niya. Napangiwi ako, puros laway na siya. Pinunasan ko kaagad yung mukha niya.

"Sorry, maybe not the right time to kiss me."

Siya naman parang 'di maipinta yung mukha. Tumagilid na lang siya. Nag-iisip. Mukhang gusto talaga niya at parang hindi talaga siya papayag na walang halik. 

"Shane tingin ka dito." Tumingin naman siya. "Yakapin mo nga ko."

"Are you asking me?"

"No. I'm commanding you. So better hug me now, or I'll smash your face."

Hinug niya ko kaagad.

"Naku naman, you don't need to threaten me. Alam mong mahal na mahal kita at ginagalang kita kaya gusto ko magpapaalam muna ko sa mga actions ko."

"Kaya pala dati, bigla mo kong niyayakap ah." I heard him chuckled. Tama naman kasi ako noh.

"Siyempre, way ko na yun to make you fall for me. At hindi naman ako nagkamali. At saka suggestion naman yun ni Ninang eh. Ayos lang daw sa kanya."

"At talagang kakuntsaba mo pa si Mommy ah." He chucked again and hugged me tighter.

"Eh wala ka namang magagawa kung boto siya sa akin. 'Wag ka ng magalit ah. Sorry talaga. Hindi ko naman kasi alam na allergic ka sa bulaklak. Wala siyang naikwento."

"It's okay. At least, isa-isa mong nalalaman ang mga bagay tungkol sa akin."

"Madami pa kong hindi alam, hindi ko nga alam kung bakit ayaw mo pang sabihin yung kwento sa pagiging man-ha-"

I suddenly kissed him on the lips. And luckily, itong kakabahing ko eh nakisama. Nanlaki yung mata niya then eventually,  we closed our eyes.

I could feel the tenderness on his kiss. The gentleness. I felt the enchantment. I don't know why the hell I'm feeling this.

It's so different. It's so magical. . Our kiss. It became deepen. I felt the warmth of it. He caressed my back and I touched his face. Then I put my hands at the back of his nape to cling.

Baka kasi pag 'di ako kumapit, bigla akong mahulog. Nakakalunod yung nararamdaman ko. Ganito pala ang real kiss.

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

"Senyorita may bisita po kayo!"

Bigla kaming bumitaw sa isa't-isa. Parang hindi maipinta mga mukha namin.

"ISTORBO!" Nagkatinginan kaming dalawa. He grinned and I felt that my face became red.

"Halika. Alalayan kita." Bumaba kami pero pagpunta naman ng sala, wala namang tao.

"Ate Lita akala ko may bisita? Nasaan na? Niloloko mo ba ko?!"

Bwisit ah. Niloloko ba nila ako? Naistorbo yung  halikan namin!

"S-senyorita may bisita po talaga kayo. Lalaki pa nga, medyo may edad na rin. Hinahanap po talaga kayo."

"Lizbeth, 'wag mong takutin si Ate Lita." Kumalma muna ko... Aish...

"Ahmm Lizbeth? Type ka na rin ba ng mga DOM ngayon?"

"Kung gusto mo pang may girlfriend, tumigil ka."



"Mom! Papasok na kami ni Shane!"

Tiningnan ko si Mommy, parang iba siya ngayon. Let me scratch that, ilang araw na siyang ganito. Wala man lang reaction sa sinabi ko. It's like there's a problem.

"Ready ka na Lizbeth?"

"Yes."

Nagkiss ako kay Mommy. She also kissed me back. Pero parang wala naman doon yung iniisip niya. I could feel it. There's something wrong. Pero 'di na ko nagtanong. Parang kinakabahan ako na ewan eh.

Pumasok kami sa school pero si Mommy pa rin inaalala ko. She was never been depressed like that, except of course what happened last 8 years ago.

7 pm

Nakita ko si Alex nung bandang gabi na sa may SC room and told her about kay Mommy. Nabigla ako sa nalaman ko.

"Eh nakita ko nga siya nung isang araw pumunta sa may clinic, yung malapit sa amin. May kasamang guy na matangkad."

"Wait! Ito bang clinic na sinasabi mo eh yung kay Dr. Avil?"

"Yes. Yun nga! Actually, nakita ko rin si Tita with that guy before. Oops! Bakit ba nasabi ko?"

Shet!

Sinasabi ko na nga ba eh! Pabulong niya pang sinabi, narinig ko naman!

"Pag hinanap ako ni Shane pakisabi, nauna na ako."

I need to go home. Now!


I'm a Man-hater, right?जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें