"Wow, iba siya." She said acting very impressed of my speech. "Wow! Ikaw pa ba yung bitter kong friend? Haha! Hay...sana ako rin makatagpo ko na yung para sakin noh?" 


I pretended to be asleep. Hay, ako nga eh. Sana talaga ang nararamdaman kong to, this time, para na sa tamang tao.


The hour hand pointed at 5. It was the time for us to go home. Nalie went to her tutor class and I followed my usual routine pauwi. Dala-dala pa rin ang mga bulaklak na bigay sakin.


Pagkauwi ko bumungad kaagad ang namomoblemang mukha nina mama at papa.


"Anong problema?" Tanong ko.


"Yung kuya mo sa Dubai, madedeport." Mangiyak-ngiyak na sabi ni mama. "May nakita raw kasing mali sa xray results niya kaya hindi na siya pwedeng magtrabaho doon." 


"Hindi namin alam ng mama mo kung saan kami hihiram ng pera pambayad niya pauwi dito. Cee, baka naman pwedeng ikaw na muna magbayad?" 


Pero kababayad ko lang ng internet, tubig at kuryente. Hindi ko nga alam kung kasya pa ang pera ko hanggang sa susunod na sweldo eh. I have this thoughts pero pumayag pa rin ako sa pakiusap nila. 


They were relieved, parang nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib dahil sa sinabi ko. Habang ako nag-aalala na kung kaya ko pa ba, financially.


Pumasok ako sa kwarto at humiga. "Hay. Happy birthday na lang, Cee." I held my heart to prevent it from shattering. 


I fell asleep listening to the music of Yiruma and dreamed of having the best birthday celebration ever.






Two hours later... I went back to reality.  It was  9:16 pm on my phone. I checked my SNS accounts and read the messages of my friends. In the middle of reading the letters from my students, I received a call from Calvin.


Me: Yes?

him: Hi. I'm done with work. Nakauwi ka na?

me: yes po. Why?

him: kumain ka na?

me: ah, actually nakatulog ako kaya hindi pa ako nakapaghapunan. Hehe...

him: ha? hmm...okay. puntahan nalang kita diyan ah.. Let's have dinner malapit sa inyo.

me: sige, bye.


Nagbihis ako pagkatapos niyang tumawag. Pagkababa ko, nilapitan ako ni mama.


"Anak, sorry kung nakalimutan naming birthday mo ngayon. Masyado lang kasi kaming nag-alala sa kuya mo kaya---" 


"Ma, it's okay. Naiintindihan ko." Yes, naiintindihan ko at patuloy pa ring iniintindi ang lahat.


Diary of an IntrovertOù les histoires vivent. Découvrez maintenant