CHAPTER THIRTY

179 24 1
                                    

Napatakip sa tenga ang lahat ng nasa living room nang nag-echo ang mic na nakadugtong sa videoke.

"Good evening, ladies and gentlemen," masiglang bati ng celebrant. Naka mic pa ito, kapansin-pansin ang pamumungay ng mata nito. Lasing na agad?

I check the time. 8:00 pm pa lang.

"Dahil birthday ko, walang KJ! Lahat iinom. Patapos na rin naman ang school year, saka matatanda na tayo. Limited lang ang invited kaya pleaseeee no KJ!"

Napansin ko nga na hindi ganoon kadami ang pumunta. Mostly grade 11 and 12 lang.

"So let's all get wasted tonight!" at saka niya binagsak ang mic sa sahig at pumailanlang sa bahay ang lakas ng music. Shet sakit sa tenga, sumasabay sa tibok ng puso ko ang tugtog ng speaker.

Dalawa ang bilog. Lalaki at babae. Nasa kinse ang mga lalaki at nasa sampu kaming mga babae.

"Kung alam ko lang na ganito, hindi na sana ako pumunta," nagsisisi na bulong ni Cathy sa pagitan namin ni Avil na ikinatawa namin ng huli.

Expected kasi nila na madami ang pupunta kasi akala nga nila buong school ang invited. Saka hindi naman namin alam na ganitong klase na party pala ito. Palibhasa halos legal age na yung iba. This party is only enjoyable to those who are wild enough and brave enough to get wasted.

Nagsimula na uminom sa kabilang bilog. Samin naman nagsimula na din. Buti na lang pwede magpass kapag pa-dalawang ikot na noong baso na tagayan, ang mahalaga nakainom doon sa unang shot. Umalis kaming tatlo sa bilog, hindi naman kami pinigilan ng mga kasama namin 'don. Halos klase namin ang mga babae, grade 12 ang mga lalaki. Si Rom saka RJ lang ang nakita ko na kaklase namin sa mga lalaki.

Nilapitan namin ang videoke at pumili ng kanta sa song book. Kakanta na lang kami, ambag doon sa mga nag-iinom.

Si Cathy ang nagsasalang ng kanta, si Avril ang kakanta. Kumakanta din naman ako minsan kapag trip ko 'yong kanta o kaya kapag alam ko ang tono. We spend the night like that. Kumakanta kami, nag-iinom sila. Nagkaka-iyakan na sa bilog ng mga babae, may lasing na na dalawa. Nagkakayabangan na sa bilog ng mga lalaki, mukha ngang may nagkaka-pikunan na, e.

My cheeks blushed when I saw my man-in-the-rain ay mali naglevel-up nga pala kami. I saw my bestfriend entering the party. Lampas alas-nuebe na ng gabi, humabol pa talaga siya. Napaiwas ako ng tingin nang ngitian niya si Diane at humalik sa pisngi nito.

Dala ng tensyon agad kong inagaw kay Avril ang microphone, sakto maganda ang kanta. Masarap panama.

Kung ayaw mo na
Sana manlang ay sinabi mo
Nang di na naghintay ng kaytagal ang puso kong ito ohhh
Umasa tapos iniwan
Lumisan di nagpaalam
Umasa tapos iniwan
Nagmahal, nasaktan, naghintay
Umasa tas iiwan mo lang

Narinig ko ang hiyawan ng mga lalaki mula sa bilog nila, hindi ko alam kung anong nangyayari at wala rin akong pakialam, feel ko ang kanta.

Umaasa, babalikan
Kahit tila malabo puso ay nasanay ng mag-isa
Umaasa, lalaban ka
Kahit hanggang sa dulo puso'y di pa sumusuko sinta

Kinanta ko ulit ang chorus. Nag-headbang pa ako kasabay ng instrumental na part.

Umasa tapos iniwaaaaaaaan
Lumisan di nagpaalam
Umasa tapos iniwaaaaaaan
Nagmahal, nasaktan, naghintaaaay
Umasa tapos iniwaaaaan
Lumisan di nagpaalam
Umasa tapos iniwaaaaaaaan
Nagmahal nasaktan naghintaaaaay
Nagmahal nasaktan naghin---

Naputol ang kanta ng bigla na lang may humablot ng mic

"Itagay na yan!" agad kong inabot ang baso na binigay ni Rom

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon