CHAPTER TWENTY-ONE

159 26 0
                                    

Hindi ko na alam kung ano pang sunod na nangyari. Ni hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito sa park kahit na sobrang layo nito sa bahay. Basta ngayon ang alam ko lang, ayaw kong umuwi. Gusto ko lumayo. Gusto ko umalis.

I stared blankly at the open space while holding my phone. This is all that I managed to bring. Kanina ko pa tinatawagan si Alby pero in another call daw sabi ng server. Hindi ko naman matawagan si Cathy dahil alam kong galit pa rin siya sakin. Damn. Bakit kasi ngayon pa siya nagalit kung kailan ko siya kailangan.

At mukhang naiiyak ko na lahat dahil wala ng luha ang tumutulo kahit ang sakit pa rin. Kahit umiiyak pa rin ako, wala na. Wala ng luha. Kahit sila, napagod na sakin.

Sobrang naiinis ako. Nasaan ba si Alby? Kung kailan ko siya kailangan saka siya hindi mahagilap. But I need to understand baka mas importante ang kausap niya sa phone. Baka may problema rin siya. I cannot be too clingy and demanding of his time dahil hindi kami. Baka manawa rin siya sakin. And in my current state right now, I can't afford to lose him, too. Baka masiraan na ako ng bait.

Naiinis ako kay Kuya, ang daya niya. But the feeling that I felt the moment he look at me before he leaves breaks my heart over and over again. That was the first time he look at me like that. Like I'm nothing. Like I'm no one.

I had received many texts and calls from Glen asking where I am but I ignored all of it.

Now I get it. Why he suddenly moved. Why he is always caring. Kung bakit ganoon ang mga tanong niya noong una, parang gustong-gusto ako makilala. Kaya pala kakikitaan mo ng inggit ang mga mata at ngiti nya kada magkasama kami ni Kuya, kada magkausap kami. Kaya pala minsan parang may sarili silang kumpetensya.

Hindi naman sa ayaw ko kay Glen, it's just that masyadong biglaan. Parang isang mainit na sabaw na pilit nilang pinapasubo sakin kahit alam nilang mainit. If only they told me first, if only they let me know, edi sana hindi ganito. Sana nabigyan ko ng chance si Glen. Sana naging close kami bilang magkapatid. Hindi man kagaya ng closeness namin ni Kuya pero malapit na sa ganoong level. In fact, hindi ko naman pwedeng baguhin ang katotohanan na kapatid ko siya. Kahit hindi ko gusto o kahit naguguluhan pa ako, kailangan ko pa rin iyong harapin. Kailangan pa din tanggapin. Not now but sooner.

Hours had past and somehow, I am already calm. I tried calling Alby ulit pero ganon pa rin. I have no choice but to check the time. It's already 4:30. Too early to go home. So I spend my time watching the kids playing. Few couples dating. Few families having their own bonding time.

Then suddenly it feels like I've been drifted to somewhere else. The place change, no. It is also a park but different people. Different from earlier. It's strange. I can see that the people's are laughing but I cant hear it. Some are just passing by. Na parang hindi nila ako nakikita. Bigla na lang akong nahilo at pakiramdam ko nasusuka ako.

"Kuya kailan tayo pupunta dito nina Mama?"

Agad akong napatingin nang makarinig ako ng salita. It was a little girl. Suot niya ay napakalaking t-shirt na abot hanggang tuhod nya, napaka laki rin ng tsinelas na suot niya. Supot na lang ang kulang mukha na siyang pulubi.

And beside her was a very handsome little boy. Pero 'di kagaya ng batang babae, maayos ang pananamit ng batang lalaki. Mukhang nanggaling sa mayamang pamilya.

"Kuya, gusto ko rin magpicnic," ungot ng batang babae sa batang lalaki habang bahagyang inaalog ang kamay nito.

"Sige bukas," nakangiting sagot ng batang lalaki. Magkapatid sila? Bakit magkaiba ang pananamit nila? Or the little boy was just too nice to let the little girl call him Kuya?

"Pero gusto ko buo tayo kagaya nila," sabay turo ng batang babae 'don sa isang pamilya na masayang nakaupo sa ilalim ng puno.

"Alam mo namang ayaw ni Papa ng ganyan."

Kasabay ng paglungkot ng mukha ng batang babae ay ang pagkirot ng puso ko. Naaawa ba ako sa kanya? Pero bakit parang iba pa?

Napayuko na lang ang batang babae.

"Kuya bakit parang ayaw sakin ni Papa? Bakit mas mahal ka niya?" umiiyak na tanong ng batang babae doon sa batang lalaki saka siya tumakbo palayo.

"Kung magpapakamatay sa siguaraduhin mo na ten wheeler truck ang dumadaan. Katanda tanda mo na di ka pa marunong lumiban. Letse! Bobo! "

Napaupo ako sa kalsada dala ng matinding gulat. Anong nangyari? Inilibot ko ang paningin ko para hanapin 'yong dalawang bata pero hindi ko na sila makita. Minu-multo ba ako kahit maliwanag pa?

Madiin akong napahawak sa ulo ko nang kumirot ito. Para akong sinasabunutan sa sobrang sakit. Dala ba ito ng labis na pag-iisip? Pero ano nga bang nangyari? Nakaupo lang ako sa park kanina, tapos biglang nagbago at nakita ko yung magkapatid, tumakbo yung batang babae then how come napunta ako dito sa gitna ng kalsada? Hindi naman ako ang tumakbo. Hindi nga ba? Tumakbo din ba ako? Hinabol ko ba yung bata?

My thoughts has been disturbed by the vibration of my phone. Huminga muna ako ng malalim para kumalma bago ko ito tiningnan.

From:KaTonying
Umuwi ka na.
5:46 pm

Isinilid ko ulit ang cellphone ko sa bulsa ko at wala sanang balak pansinin angtext niya nang masalubong ko ang malamig niyang mga mata. Nasa likudan niya saGlen na agad tumakbo papunta sa direksiyon ko at tinanong kung ayos lang akohabang siya ay tumalikod na samin at hindi na lumingon pa.

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon