CHAPTER NINE

263 54 4
                                    

Sabay kaming natawa ni Glen nang sabay kaming napapikit at nilanghap ang amoy ng Jollibee. Dahil si Kuya ang iwan sa bahay at hindi naman marunong magluto 'yon paniguradong wala pa kaming dinner kaya nagtake-out na lang kami. Agad akong nag-text kay Kuya.

To: KaTonying

Kuya, wag ka na magluto. Nag take out kami ng chicken sa jollibee. Magsaing ka na lang. Damihan mo ah baka magsaing ka tapos kulang pa sa'yo.

Sent

Hindi kami lumaki ni Kuya sa luho at masaganang buhay kaya medyo odd sa pakiramdam na guminhawa ang pakiramdam ko pagkatapos namin mag-grocery. Mayayaman lang kasi ang ganon diba? Mga spoiled brats.

Dahil mahaba ang oras na lumipas ine-expect ko na kahit papaano iba na ang ambiance sa bahay. Ine-expect ko na kahit papaano, good mood na si Kuya at mangugulit na ulit pero naging masyadong tahimik ang dinner namin. Pati si Glen wala ring imik habang kumakain, wala ring imik silang umalis ng mesa at nagtungo pabalik sa kwarto nila.

Nakailang buntong-hininga pa muna ako bago tumayo na rin sa lamesa at naghugas ng mga pinggan.

May mali siguro sa chickenjoy ng Jollibee.

Nakahiga na ako sa kama ko at balak na sanang matulog nang may maalala ako. Agad akong bumangon sa kama.


Shit! Bukas na nga pala ang pasahan namin ng Chapter 2 sa thesis. Dali-dali kong binuksan ang laptop ko at in-open ang messenger ko para hanapin ang pangalan ng partner ko sa Thesis. Sana online ang hinayupak na yun. Online yun for sure, mahilig sa moba yun e.

Halos mapatalon ako sa tuwa nang makitang online nga. Yes, nabuhayan ako ng pag-asa.

Kristina: Rom!

Halos hindi ako mapakali habang hinihintay siya na i-seen ang message ko. Baka uma-attack pa 'yon. Nagtingin pa ako ng ibang online. Ayun!

Kristina: Cathy!
Seen 8:48 pm

Kristina: Oy! Important tooooo!
Seen: 8:50 pm

Catherine: Mas importante sa moba ko?
Seen 8:50 pm

Shet! Moba is life nga din pala to. Napakamot ako sa ulo. Hmp, bahala na nga. Maaawa naman siguro sakin 'to, bestfriends kami e.

Kristina is typing...

Catherine: Muntik na ko matalo btch!
Seen 8:51 pm

Kristina: Soriiii naglalaro ka pa?
Seen 8:51pm

Catherine: Di na.
Seen 8:52 pm

Catherine: Nu ba yun?
Seen 8:52 pm

Kristina: May Chapter 2 ka na?
Seen 8: 52 pm

Nagsolo kasi 'to sa Thesis kasi may isa talaga sa klase namin na kailangan magsolo. Nag volunteer sya, matalino naman yun e. Siraulo nga lang.

Catherine: Syempre
Seen 8:54 pm

Bumagsak ang balikat ko. Akala ko naman may karamay na ako. Himala at sinipag ata, mantalang ako hindi pa nagaganapan ng himala. Patay ako kay Miss Katakutan nito e. Terror pa naman non. Patay rin ako kay Kuya kapag hindi ako nakapagpasa, baka ma-grounded ako lalo.

Catherine: Wala pa
Seen 8:54 pm

Kristina: Bwisit ka alam mo yun?
Seen 8:54 pm

May nag pop naman na ibang profile sa phone ko kaya chineck ko kung sino.

Romnick: Ui bk8?

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon