CHAPTER TWENTY-SEVEN

Magsimula sa umpisa
                                    

Automatic bang kapag nag-boyfriend ka ng maaga ay hindi ka na agad makakatapos? Automatic bang kapag uminom ka ay mabubuntis ka ng maaga? Bakit may sperm ba ang alak? May sumpa ba ang mga lalaki?

It is one of the problem in the society, masyadong maraming bawal kaya mas madaming mga kabataan ang pasaway. Mas madaming kabataan ang sumusubok ng bawal out of curiosity - kung mangyayari ba talaga ang sinasabi ng matatanda kapag ginawa nila ang bawal. Mas madami ang sumusuway dahil marami ang may gustong patunayan. Those sayings must serve as a warning not as a law.

Nakaubos na sila ng tig-isang lata habang nakatingin lang kami sa dagat. Kainaman, walang pa-puluta. Nakakaisang lagok pa lang ako, kunyare hindi sanay uminom.

"First love ng nanay mo --- " pinutol ko ang sasabihin niya.

"Nanay mo rin siya,Kuya, " saka ako bahagyang lumingon sa kanya, lumingon rin sya sakin. Seryoso. Walang imik. Parang hinihintay na bawiin ko ang sinabi ko. Itinikom ko lang ang bibig ko at umiwas ng tingin. Yes, siguro may nagawa siyang mali, may mga pagkukulang pero ayaw ko pa ring maging bastos kami ni Kuya. Whatever she did or whatever her shortcomings are, it cannot change the fact that she is out mother.

"Hindi ko na siya nanay noong pinili niyang magpaka nanay sa iba," hindi ko nakuha agad ang sinabi ni Kuya. Iba? May kapatid ba kami? o nag aalaga si Mama ng hindi niya anak? Hinihintay ko na i-explain niya ang sinabi niya pero iniwas niya lang ang tingin niya sakin at lumagok sa hawak niyang beer.

"Wala ka ba talagang naaalala?" hindi ko mabasa ang mga mata niya nang muli syang lumingon sakin. Umiling lang ako bilang sagot.

There are some fragment of memory, yes. Pero hindi buo. Ni hindi nga masasagot ng mga 'yon lahat ng tanong sa buong pagkatao ko. There is only one who can answer them and it looks like he's hesitating.

Huminga muna siya ng malalim.

"First love niya ang tatay ko," simula nya pero naputol dahil hindi ko napigilang magtanong.

"Hindi tayo pareho ng tatay?" Tumango naman siya at automatic na lumipad kay Glen ang tingin ko. Nginitian niya ako at bahagyang tumango.

Ibig sabihin, kapatid ko sa tatay si Glen. Napatango naman ako sa realization.

"Sabi ni Papa, they were happy and contented dahil anak na nila ako non. Ayaw man ng Papa ko, hindi niya pa rin mapigilan na magtrabaho ang nanay mo. Later, he found out na nakakalantari na ng iba ang asawa niya. Kasosyo niya sa negosyo, kasosyo niya na rin pala sa asawa," at lumagok siya muli sa hawak niyang beer bago nagpatuloy. Tahimik lang akong nakikinig.

"Bigla na lang akong inaya ni Mama na umalis sa bahay 'non. As a young and hopeful child, akala ko babawi lang siya dahil lagi na siyang busy sa trabaho pero 'yon pala, sasama na kami sa ibang lalaki. Your father. Napalapit rin ako sa tatay niyo. But he left us. He left you when you were 2."

Nagbukas siya ng panibagong lata ng beer. Nilagok niya ng nilagok hanggang maubos. Tinupi niya 'yon na parang 'yon ang dahilan ng galit at inis na nararamdaman nya. Tears started rolling down his cheeks. Pinahid niya 'yon gamit ang manggas ng damit niya. Nagbukas siya ng panibagong beer. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. I can't watch him suffering like this. I look at Glen to ask for some help pero tulog na ang tukmol.

"Hindi ko na tanda kung ilang taon tayo noong lumipat tayo sa maliit na bahay tapos nagtitinda siya ng gulay at isda sa palengke. Everyday, I would see her calling and calling to someone pero hindi siya sinasagot. Akala ko noong una, tatay mo but I'm surprised one day, nakita ko na lang ang tatay ko na lumuluhod sa harap niya. Begging her to come back. With me."

That's my dream. Ang sikip sa dibdib. All of these, pinagdaanan at kinimkim niya mag-isa. How could I? Paano ko nagawang makalimot? Paano ko nagawang kalimutan lahat at hayaan ang kapatid ko na dalhin lahat ng 'to mag-isa? It's not our mother whom he must hate. It's me. Iyong problema na dapat sabay namin haharapin at lalagpasan, pinagdaanan niya mag-isa, all because I can't remember.

"-- after they got separated uli ni Papa, mas humirap ang buhay natin. Kailangan niya magtriple ng trabaho para lang makakain tayo sa gabi. Kailangan natin pumasok ng walang baon, pero okay lang. Wala man tayong baon atleast wala ka ring pasa-pasa sa katawan. Hanggang sa bigla na lang, lumipat tayo sa bahay natin ngayon. Maganda, malaki. Ang saya-saya mo nga 'non e. Noong una, minsan lang siya abutin ng gabi hanggang sa dumalas hanggang sa hindi na siya umuuwi. Akala ko dahil sa trabaho, yun pala," he has to stopped for awhile kasi sinisinok na siya. I look at him once again, punong-puno na ng luha ang mukha niya. Parang bata na iniwanan ng magulang. Napangiti naman ako, iniwan nga pala kami.


"May bago na syang p-pamilya."

Tahimik kong sinalubong ang tingin niya ng bigla siyang lumingon sakin. Pilit na pinapalis ang mga luha. Pinipilit ngumiti.

"Sinundan ko sya minsan. Shet, " bahagya siyang tumawa habang may ina-alala. Pinipilit niya ngumiti pero naiiyak na siya. Pinipilit niya ngumiti para kunyari, hindi masakit. Kunyari, wala lang. Kunyari, hindi siya apektado.

I smiled at him. Ofcourse, pride na lang ang meron kami. We better keep it tight.

"Ang saya niya sa kanila. Sa sobrang saya hindi na tayo naaalala," pagtuloy niya sa sinasabi niya. Saka siya tumawa ng malakas, sinabayan ko ang tawa niya. To show the world na wala kaming pakialam. Maano? Wala lang naman kaming nanay? Nakakatawa kaya 'yon. Tawa lang, wala namang ibang nakakaalam na sarcastic 'to. Kunyari, masaya kami.

Tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa naging sigaw hanggang sa naging isang malakas na pag-iyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Wala man kaming nanay, atleast we still have each other.




It will be us ,against the world. Against all odds.

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon