Think think think

Alam ko na.

Calling 

Ate Ianne

“Hello? “ 

“Hello Ate Ianne, pwede pong magtanung? “ 

“o sige Trixie, ano yun?”

“nagpalit po ba ng number si Lance?”

“Ay oo nga pala. oo nagpalit siya ng number.”

“ahmm. pwede po bang mahingi yung number niya?”

“Trixie, kasi anu .. alam kong gusto mong makipag-ayos sa kanya. Pero baka sa pagtulong ko sayo, kami yung mag-away.”

“Ha? bakit naman po?”

“He warned us na wag ibibigay sayo yung number niya e. Sorry dear. Sorry talaga”

“Sige ok lang ate. I understand”

tapos inend call ko na. Una tinggal niya ko sa banda. Tapos ngayon yung sa cellphone number naman? Ayaw na ba talaga niyang magkaroon ng koneksyon sakin? TT_________TT

***

Lumipas ang mga araw na parang wala lang. Oo super wala lang. wala naman kasing nangyayaring espesyal.

At ngayon, first day of class na.

Dati pag gising na diwa ko pero tinatamad pa kong pumasok, nakatitig lang ako sa kisame namin. Nakatingin lang sa kawalan.

Pero ngayon iba na. Nakatingin ako sa cellphone ko. Mag iisang oras na atang ganito pwesto ko.

Mukha ba kong engot kung sasabihin kong may hinihintay akong magtext?

Siguro hindi naman. Pero kung sasabihin ko bang si Lance yung hinihintay kong magtext? I think everyone will agree that I am already crazy.

Habang tumatagal yung oras, mas lalo akong nawawalan ng ganang pumasok.

Wala man lang bang

hoy bangon na.

Anung oras pasok mo.

Sabay tayo.

Kita tayo LRT.

Malalate na tayo, bilis

Bawal malate, libre kutos

mas lalo ko ngayong nararamdaman yung absence nya. Dati kasi di mawawalan ng mga ganung linya. Naiiyak nanaman tuloy ako. Pero hindi. Hindi ako iiyak.

I’m tough!. DI ako papatalo sa depression na to. I’m too beautiful to be depressed,

Nagprepare lang ako ng sarili ko.

Pagharap ko sa salamin, I looked at myself.

IF there is one thing siguro na hindi nagbago, it is my face. Kasi hindi tulad ng mga pangyayari sa mundo ko, kaya kong kontrollin kung panu ko hahawakan yung sitwasyon.

Smile Trixie. Don’t let the world change it. Everything happens for a reason. And one thing is for sure, your pain has a purpose.

Pagdating ko sa LRT, what do I expect? Syempre marami nanamang tao.first day ng school e.

Pag- akyat ko sa platform, tumutunog na yung tren. Meaning? Aalis na yung tren.

Siniksik ko yung sarili ko sa loob. Hindi dahil sa late ako kundi ayaw ko lang maghintay.

Parang wrong move ata yung ginawa ko kasi alam mo yung feeling na halos idikit mo na yung ilong mo sa glass door? Ganun yung sitwasyon ko ngayon.

Pinilit kong gumawa ng paraan para makapunta man lang at least sa gitna nung tren but..

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon